Isang Ina Labis ang Hinagpis Sa Pagpanaw ng 3-anyos niyang Anak Dahil sa Bumarang Kendi sa Lalamunan Nito.

Isang Ina Labis ang Hinagpis Sa Pagpanaw ng 3-anyos niyang Anak Dahil sa Bumarang Kendi sa Lalamunan Nito.

Wala ng mas sasakit pa sa isang Ina na makitang wala ng buhay ang sariling anak at dahil lamang sa isang hindi inaasahang dahilan.

Kamakailan ay naging laman ng usap-usapan sa social media ang malungkot na balita na sinapit ng isang tatlong taong gulang na batang lalake.

Nasawi ang batang lalake dahil lamang sa nalunok nitong candy na taga Mati, Davao Oriental.

Kwento ng ina ng bata hindi nito napansin ang kaniyang anak dahil may ginagawa siya ng mga oras ding iyon, nakita nalamang niya na nahihirapang huminga at namumutla na ang bata, dali-dali naman niyang sinaklolohan ang kaniyang anak, ngunit nawalan na ito ng malay agad naman niyang tinawag ang mga kasama nito sa bahay at dinala sa pagamutan.

Pag ka dating sa pagamutan agarang idiniklara ng pamunuan ng ospital na d3ad on arrival ang bata dahil may nakabarang candy sa kaniyang lalamunan.

Lubos naman ang pighati ng magulang ng bata dahil hindi nila aakalain na nang dahil sa candy ay babawian ng buhay ang kanilang anak.

Dahil nga bata pa at tatlong taong gulang lamang ito ay maliit pa ang pasukan ng pag-kain sa bibig nito kaya naging sanhi ng pagkasawi ng bata ang candy dahil sa pagbara nito sa kaniyang lalamunan.

Ibinahagi ng magulang ang mga huling sandaling larawan ng kaniyang anak sa social media upang maging maingat ang mga magulang, upang hindi matulad ang nangyari sa kaniyang anak at palagi rin itong babantayan, lubos namang nakikiramay ang mga netizen sa sinapit ng tatlong taong gulang na anak nito.