Isang lalaki na mula pa sa kaniyang trabaho sa construction site, binilhan ng manika ang kaniyang anak

Isang lalaki na mula pa sa kaniyang trabaho sa construction site, binilhan ng manika ang kaniyang anak

Ang pagiging isang magulang ay isang pagpapala at isa ring mabigat na responsibilidad. Bilang isang magulang kasi ay dapat nating suportahan at ibigay ang lahat ng pangangailangan ng ating mga anak lalo na kung wala pa sila sa wastong edad.

Tungkulin natin na mabigyan sila ng maayos na tirahan sa isang ligtas na kapaligiran, mapag-aral sa isang maayos na eskwelahan, at mabigyan ng mga pangunahing pangangailangan nila tulad ng pagkain, damit, at marami pang iba. Dahil dito ay talagang mas marami ding mga magulang ang sinisikap na magtrabaho ng husto upang masuportahan ang kanilang pamilya.

Kahit makipagsapalaran sila sa ibang bansa o di kaya naman ay maliit lamang ang sahod nila dito sa Pilipinas ay talagang hindi sila sumusuko dahil inspirasyon nila ang kanilang mga pamilya. Kamakailan lamang ay talagang umantig sa puso ng publiko ang ilang mga larawan ng lalaking ito.

Kitang-kita kasi sa kaniyang mga kuha na ito ay mula pa sa kaniyang trabaho sa isang construction site. Maging ang kaniyang paa ay mayroon pang semente at talagang masasabi mong siya nga ay galing sa kaniyang trabaho sa naturang lugar.

Sa kabila nito ay hindi niya alintana ang pagod o ang dumi sa kaniyang katawan mabilhan lamang ng isang munting manika ang kaniyang anak. Marahil ay hinintay niya talaga ang sweldo nila sa araw na ito upang mabili na sa wakas ang matagal nang hiling sa kaniyang ng kaniyang pinakamamahal na prinsesa.

Tunay nga na maliit na bagay lamang ito sa iilan, mura lamang at hindi kasing mahal ng mga nabibili sa loob ng mall. Ngunit sa kabila nito ay tiyak na matutuwa ang kaniyang anak dahil sa naalala ng kaniyang ama na bilhan siya ng espesyal na pasalubong.

Hindi na nga napigilan pa ng ilang mga netizens ang magbigay ng kanilang mga komento patungkol sa mga larawang ito. Mapalad daw ang bata dahil mayroon siyang isang mabuting ama na handang magsakripisyo para sa kanilang pamilya.