Isang Lola ang Gumagapang Kahit Tirik na Tirik ang Araw Upang Makahingi ng Kanyang Makakain.

Isang Lola ang Gumagapang Kahit Tirik na Tirik ang Araw Upang Makahingi ng Kanyang Makakain.

Paano nga ba nasisikmura ng iilan na pabayaan na lamang ang kanilang pamilya o magulang na nag-iisa sa kanilang pagtanda? May iba’t-ibang kadahilanan kung bakit nagagawang pabayaan ng mga anak ang kanilang magulang, pero sapat ba ito na rason para sila ay hayaan na lamang sa lansangan?

Napakahirap para sa isang matanda ang walang makasama sa buhay lalo na kapag nagkasakit ang mga ito, wala silang matakbuhan sa mga oras na sila ay nangangailangan. Hindi natin alam ang takbo ng buhay kung kaya’t ngayong malakas pa tayo ay matuto tayong maglaan para sa ating katandaan.

Isang malungkot na halimbawa ang dinaranas ngayon ng isang matanda kung saan ito ay ibinahagi ng isang concerned netizen, kanyang pakay ay mahingan ito ng tulong dahil halatang hirap na hirap ito sa kanyang kalagayan at hindi na makalakad.

Si Lola ay ginagapang ang sarili para lamang makapunta sa kanyang pupuntahan. Kahit na tirik na tirik ang araw ay pinipilit pa rin niyang makarating sa kanyang pupuntahan upang makahingi ng pagkain.

Ang video ay ibinahagi ni Marialyn Perifrino noong Hulyo 10 sa isang group page upang manawagan ng tulong para kay Lola.

Noong mga oras na iyon ay naabutan niyang papunta si Lola sa nagngangalang Alice para humingi ng pagkain. Mapapansin sa naturang video ang halos but0’t balat na katawan ni Lola.

Narito ang naturang post ni Marialyn:

Sana matulongan mo c nanay sir #raffytulfoinacti0n kawawa na cia and na cia makalad kaya ganya nlng ang pamamaraan nia pag lakad makarating lng daw po cia sa pupuntahan nia,, doon daw cia punta kay madaam Alice kay hihingi po daw cia doon ng pagkain e ang layo po kawawa nman cia,,