Isang lolo ang hindi binayaran ng kanyang customer matapos magpagawa ng mahigit 50pcs na basahan

Isang lolo ang hindi binayaran ng kanyang customer matapos magpagawa ng mahigit 50pcs na basahan

Naglabas ng hinanaing ang isang lolo sa kanyang social media ito’y matapos hindi bilhin ng kanyang customer ang mga ipinagawang basahan para sa paa. mahigit umano 50pcs ang ipinagawa nito sa kanya at pinangakuang kukunin sa itinakdang araw.

Kung kaya’t laking pasasalamat din ni lolo Reynaldo Patron sa kanyang customer na nakausap lamang sa niya sa facebook dahil mayroong bibili ng kanyang gawang basahan. Matapos ang kanilang pag-uusap ay agad na sinumulan ng matanda ang pag-gawa ng basahan


Sinunod ng matanda ang sinabing deadline ng kanilang napag-usapang araw kasabay ng pag-babayad ng nasabing customer ngunit ng muling kausapin ni lolo Reynaldo ang kanyang customer sa messenger ay hindi na umano ito nag reply pa at kahit tawagan pa ang numero ng nasabing customer ay hindi na ito matawagan pa.


Lumalabas lamang na scam ang matanda at naloko pa ng ibang tao. Nanlulumo ngayon si lolo Reynaldo dahil pinaghirapan at pinagpuyatan niya ito upang matapos lamang at matupad ang nasabing araw na kailangan ngunit hindi tumapad sa usapan ang kanyang customer.