Isang Lolo,Nanginginig Dahil Sa Gutom Habang Nagtitindanda Ng Shell.


Viral ngayon sa social media ang video na ibinahagi ng isang netizen na si Ronald Ancero Casil ng isang matandang kinilalang si lolo Tony Pano na 72-Taong gulang na taga Panas, Candijay, Bohol dahil ito ay nanginginig na sa gutom habang nagtitinda ng shell sa tapat ng Simbahan.

Kwento ni Casil habang siya ay naglalakad napansin niya ang isang matandang lalaki na nagtitinda ng shell sa labas ng simbahan at nakaramdam umano siya ng awa dahil wala pa itong benta at nanginginig pa ang katawan nito dahil sa hindi pa ito kumakain.

 

Nakalagay sa isang maliit na balde ang kanyang paninda habang siya ay nakaupo sa harap ng simbahan at paglapit ni Casil ay nakiusap sa kanya si lolo na bumili sa kanyang panindang shell at sa pagtatanong ni Casil nalaman niyang hindi pa pala ito kumakain kaya ito ay nanginginig dahil sa gutom.

Niyaya umano niya ang matandang kumain ngunit tumanggi ito dahil kailangan pa niyang makabenta at ayaw niyang magastos ang pera.

Sa kanilang pag-uusap nalaman ni Casil na wala narin umano siyang pamilya at tanging apo na lamang niya ang kanyang kasama at tanging pagtitinda ng shell lang rin ang pinagkukunan niya ng pera at kahit na madalang lang ang bumibili sa kanya ay ayos lang umano basta may kita kahit kaunti at pinagkakasya na lamang nila ito.

Nagbigay ng kaunting pera ang netizen upang may pangbiling pagkain si lolo at nangako rin siya na sa kanilang muling pagkikita ay magbubigay ulit siya ng kaunting tulong para sa matanda samanatala nanawagan naman siya ng tulong sa social media para matulungan si lolo at hindi naman siya nabigo dahil bumuhos ang tulong kay Lolo Tony.

Maraming mga netizen ang nagpaabot ng tulong at sa tulong ni Casil ay naipadala kay lolo ang mga tulong at nagpapasalamat naman si lolo sa kanyang mga natanggap at saad niya ay sobra-sobra pa ito para sa kanilang pang isang buwan.

Narito ang Kabuoang Post:

“NAHIHILO NA AKO, BUMILI KA PARA MAY MAKAIN AKO, HINDI PA AKO KUMAKAIN. Habang may nilakad ako nakita ko si Tatay na nagbebenta at naka-upo mismo sa harap ng simbahan. Nilapitan ko siya ka-agad dahil wala nang bumibili sa binibenta niya.

Dinadaanan lang din siya noong ibang nakakita sa kanya at tinanong ko siya kung ano binibenta niya at kung taga saan siya at ito ang kanyang mga sagot.
Gutom na gutom na raw siya dahil hindi pa siya kumain, kulang pa daw pamasahe niya pauwi sa pinanggalingan niya.

Ito na raw yung pinagkakakitaan niya kahit limang leso lang ang kanyang kinikita kahit sa isang timba. Para lang daw may matustos at magamit para sa pang araw-araw ni Tatay.

Siya raw ay taga Panas, Candijay, Bohol. Dadag ko rin sa kanya, kung makita ko siya ulit bibigyan ko pa rin siya ng kunting tulong kahit papano.

Maraming salamat sa inyong mga supporta, mabuhay po kayong lahat! Sana matulongan ulit natin si Tatay at mabigyan din natin ng mga Blessings kagaya ng iba nating pinuntahan.”