Isang mangingisda ang nakakuha ng higanteng perlas sa ilalim ng dagat na nagkakahalaga raw ng 5Bilyon pesos

Isang mangingisda ang nakakuha ng higanteng perlas sa ilalim ng dagat na nagkakahalaga raw ng 5Bilyon pesos

Marahil mas kilala natin sa tawag Perlas na Silangan kung bansagan ang bansang Pilipinas na mula pa sa mga salitang Espanyol na Perla De Oriente o Perla Del Mar De Oriente. Sinilang ang bansag na ito ng isang Spanish na Jesuit Missionary na si Juan J. Delgado noog 1751.


Ayon kay Fr. Juan Delgado na ibinigay niya ang bansag na “Pearl of Lao Tzu” o “The Pearl of Allah” ng matagpuan sa Pilipinas ang pinakamalaking Perlas na nasusulat sa kasaysayan ng buong Mundo.Dagdag pa rin hanggang ngayon sa kasalukuyan ay na sa Probinsya pa rin ng Palawan sa Pilipinas ang Pearl of Lao Tzu.

Bagaman makasay-sayan ang ganitong kwento mula sa ating bansa ay may isang mangingisda ang masisigurong tunay nga ang bansag sa ating bayan na “Perlas ng silangan” matapos kasi itong makakuha sa ilalim ng dagat na hininalang perlas at ayon din sa mangingisda ay sa kaniyang pagsisid sa ilalim ng dagat ay kaniyang napansin ang isang malaking bato na kumikinang umano.


Kung kaya’t agad niya itong iniahon sa dagat walang kamalay-malay ang mangingisda na isa pala itong perlas imbis na ibenta ang nakuhang perlas ay ginawa nalamang niya itong palamuti o lucky charm sa loob ng kanilang tahanan.


Ngunit sa kasamaang palad ay natupok ng apoy ang kanilang bahay kung kaya’t napilitan silang lumipat ang nakuhang perlas ng mangingisda ay ipinagkatiwala niya sa kaniyang tiyahin magpahanggang sa ngayon.

Dito na ipinasuri ng kaniyang tiyahin ang nakuha ng kaniyang pamangkin sa dagat at napag-alaman na nga na tunay ang higanteng perlas na ito at aabot sa halagang $100M o 5 Bilyong piso


Unang nakita ng publiko ang naturang Higanteng Perlas sa isang tourist Attraction sa Puerto Prinsesa sa Palawan City Hall. Subalit sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ito ng isang hindi pinangalanang kilalang museo sa New York.