Isang mapagmahal na kuya, hinayaang matulog ang kaniyang inaantok na kapatid sa kaniyang hita habang nakasakay sila sa siksikang tren!


Ang makitang masaya at nagmamahalan ang magkakapatid ang isa sa pinakamasarap na pakiramdam para sa mga magulang. Madalas na nating marinig na walang ibang tutulong at daramay sa atin kundi ang ating pamilya.

Tunay ngang hindi matitiis ng mga magulang ang kanilang mga anak habang ang mga magkakapatid naman ay walang ibang malalapitan kundi ang isa’t-isa lamang lalo na sa oras na mawala na ang kanilang mga magulang. Kahit gaano man kasama ang ating pamilya ay wala tayong magagawa kundi tanggapin sila at ipanalangin na lamang na magbago.

Sabi nga ng mga nakatatanda, hindi natin mapipili ang ating pamilya dahil sila ang ibinayaya sa atin ng Diyos. Kung kaya naman nasa sa atin na lamang kung paano natin sila pakikisamahan sa kabila ng kanilang pagtrato sa atin.

Kamakailan lamang ay talaga namang umantig sa puso ng publiko ang larawan na ito ng isang magkapatid. Makikita kasi sa ilang mga larawan kung paano inaalagan ng kuya ang kaniyang kapatid na babae habang ito ay natutulog sa loob ng isang siksikang tren.

Ayon pa sa ilang mga nakakita sa nangyari, nakaupo ang mga bata sa dala-dala nilang foldable chairs. Marahil ay dahil na rin sa sobrang pagod ay nakaramdam ng antok ang nakababatang kapatid.

Agad namang sumaklolo ang kaniyang kuya at hinayaan ang kapatid na makatulog sa kaniyang mga hita habang karga niya ito. Dumating din ang oras na nakaramdam na ng antok ang kuya.

Dahil sa mahimbing nang natutulog ang kaniyang kapatid ay agad itong gumawa ng paraan upang mapawi ang kaniyang antok. Kumuha siya ng selpown at saka siya nagsimulang maglaro.

Sa paraang ito ay tiyak na mananatili siyang gising at makakatulog pa ng husto ang buhat buhat niyang kapatid. Talaga namang sa murang edad ay mayroon na kaagad matinding malasakit ang kuya para sa kaniyang kapatid.

Nakakatuwang makita ang pagmamalasakitan at pagmamahalan na ito ng magkapatid.