Isang masipag na lalaki, pasan ang anak na isang taong gulang habang naglalako ng taho

Isang masipag na lalaki, pasan ang anak na isang taong gulang habang naglalako ng taho

Lalaki, dala dala ang kanyang anak habang naglilibot para mabenta ang kanilang panindang Taho.
Sa post ni Jam Perry Branch sa kanyang facebook, makikita ang lalaki na pasan pasan niya sa kanyang likuran ang bata habang naglalako ng taho.

Ang taho vendor ay nakilala na si Richard Paclibare na 30 taong gulang na taga Bagong Buwan Aran Darangan Extension Binangonan, Rizal. Ang kanyang kasama anak na laging pasan kapag maglalako na ng taho ay nasa isang taong gulang pa lamang.

Kaya naman hindi ito maiwan ni Richard sa kanilang bahay dahil nag iisa na siyang nagpapalki sa kanyang anak. Kaya naman napilitan itong isama sa paglalako kahit mahirap para sa kanyang at para sa bata.

Ang ginagawa ni Richard ay napakalaking sakripisyo at delikado sa bata lalo na sa panahon ngayon.

Ayon naman kay Jam na napost sa facebook ang kalagayan ng mag ama, naantig at nahabag sya sa mag-ama. Gustong gusto tulongan ni Jam ang mag-ama ngunit wala din siyang pera.

Ang ginawang pagtulong na lang ni Jam ay bumibili siya lagi ng panindang taho ni manong Richard at pinost niya ito sa facebook upang makita ng mga may maganda pusong mga netizen upang sa ganon ay matulongan ang mag-ama.

Nais din niyang kumalat ito upang makarating kay Idol Raffy na lagi tumutulong sa mga mahihirap.

Sana ay may tumulong sa mag-ama.