Isang matanda na matagal nanilbihan bilang OFW, pinagawan lang ng kariton ng mga anak para makapaghanap buhay muli


Viral ngayon sa social media ang kwento ng isang matandang babae na kung saan ay makikita itong nagtutulak ng kariton sakay ang kaniyang panindang kakanin.

Isa itong kwento na umantig sa mga netizens, dahil ang matanda na kinilalang si Nanay Leticia Ferrer, ay isa nang uugod-ugod ngunit makikita na patuloy pa ring nagbabanat ng buto upang may makain sa araw-araw. *

Ngunit bakit nga ba sa kanyang katandaan ay patuloy pa ring nagtutulak ng kariton at naglalako ng kanyang mga paninda si nanay Leticia? ang karamihang tanong ng mga netizens.

Ayos sa post sa Facebook page na One Cavite, isang dating OFW si nanay Leticia sa Hong Kong.

Matagal itong nanilbihan bilang domestic helper sa Hong Kong upang maitaguyod ang mga anak na maagang naulila sa kanilang ama.

“Sinakripisyo ang mahabang panahon na di kapiling ang 5 anak mabigyan lang ng magandang buhay, mapag-aral at ng di danasin ang hirap na dinanas nya..Sa isip nya ok lang magtiis para sa mga anak tutal kapag nakatapos sila sa pag-aaral, sila naman mag-aalaga sa kanya…’” ayon sa post.

Nagawang mapagtapos ni nanay Leticia ang limang anak at laha tng mga ito ay mga kani-kaniyang trabaho at namumuhay ng maaluwal. *

Photos courtesy of OFW Tambayan

Hanggang sa nagkaroon na ng kani-kanilang pamilya ang kanyang mga anak. Wala ni isa sa kanyang mga anak ang kumupkop sa kanya at alagaan.

Bagkus, pinagawaan na lang sya ng isa sa kanyang mga anak ng rolling-store para matugunan umano ang pang araw-araw nyang pangangailangan ng matanda.

At hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin sa pagkayod si nanay leticia at namumuhay mag-isa sa isang relocation area sa Fairview.

Kung tutuusin ay hindi na dapat nagbabanat ng buto ang matanda dahil sa mahina na ito at dapat sana ay nag-eenjoy na lamang sa kanyang nalalabing mga panahon.

Mahirap ang isang maging magulang dahil hindi talaga natapos ang obliisgasyon nila sa kanilang mga anak. Hindi nila kayang tiisin na nahihirapan ang kanilang anak kahit pa isaalang-alang ang kanilang kapakanan.

Pero sana tayong mga anak, ay ibalik din natin ang pagmamahal at pag-aaruga sa ating mga magulang sa kanialng pagtanda. Sigurado ay maliligayahan na ang ating mga magulang sa maliit na sakripisyo na ibabalik natin sa kanila. *

Photo courtesy of Facebook page @ One Cavite