Isang Netizen, Naawa Sa Isang Matanda Na Inabot Na Ng Hating Gabi Sa Pagtitinda

Isang Netizen, Naawa Sa Isang Matanda Na Inabot Na Ng Hating Gabi Sa Pagtitinda

Nakakalungkot lamang isipin na hanggang ngayon ay mayroon pa ding mga matatanda na patuloy pa rin na kumakayod at nagtatrabaho para lamang sila ay mabuhay at matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya imbes na nagpapahinga na lamang sana sila sa bahay.

Sa post ng netizen na si Saharat Yean, ibinahagi niya ang kaawa-awang kalagayan ng isang matanda na nagtitinda pa din sa kalye kahit hating gabi na.

Nang mapadaan si Yean sa Wat Bua Temple sa Ubon Ratchathan sa Thailand ay nakita niya na tila mayroon pa ding mumunting ilaw sa isang maliit na tindahan malapit sa isang tourist spot. Nang makita ni Yean ang isang matanda na mag-isang at matiyagang nagtitinda sa naturang lugar kahit halos wala ng dumadaan dahil hating gabi na ay naisipan ni Yean na puntahan ang matanda para makausap ito at bumili na din ng makakain.


Sa katunayan, hindi talaga siya nagugutom noong mga oras na iyon ngunit napukaw lamang talaga ang kaniyang atensyon nang makita ang kaawa-awang kalagayan ng matanda, lalo na at hating gabi na ngunit hindi pa din nito sinasarado ang kaniyang tindahan.

Pagbabahagi ni Yean,

“I saw a light of a store that was still on at the dark corner of the temple. There, stood an elderly man who’s operating the cart. He was sitting by his meatball shop and was awaiting customers to buy his items. So I walked up to him.”

Ngunit mas nadurog pa ang puso ni Yean nang malaman niya ang rason kung bakit nagtitinda pa din ang matanda sa ganitong oras.


“Saharat: Why are you staying up so late today?

Old man: It’s late night and items are not selling well.

Saharat: What is there left for me to buy?

Old Man: There are still meatballs and steam squid left.

Saharat: [Opens the pot and realizes the whole pot is still full]. I’ll take these and here’s your 20 baht 9Php35).. Are you going to sleep soon? Aren’t you tired?

Old Man: I’m indeed tired but I have to be patient. If I’m not patient I won’t be able to eat.”

Sa hirap ng buhay, kailangan ng matanda na magpuyat at kumayod ng mabuti para lamang matustusan niya ang kaniyang mga pangangailangan sa araw araw.

Samantala, hiling naman ni Yean na sana ay mayroong mabubuting puso na tumulong sa matanda.