Isang Sanggol na iniwan noon sa basurahan, isa nang ganap na CEO at milyonaryo ngayon

Isang Sanggol na iniwan noon sa basurahan, isa nang ganap na CEO at milyonaryo ngayon

Marahil lahat tayo ay nakaranas ng hirap at mga pagsubok sa buhay, Kung ang iba nga ay mas malala pa ang kinakaharap subalit hindi sila sumusuko dahil alam nila na ang lahat ng ito ay may solusyon at katapusan ang lahat ng problema.

Katulad na lang ng naging kwento ng buhay ni Freddie mula sa Florida, USA. Si Freddie ay nakaranas ng matinding pagsubok sa buhay, taong 1989 ng siya ay ipinanganak subalit pagkasilang umano sa kanya ay iniwan na lang ito sa basurahan at itinapon.

Mabuti na lang at may agad na nakakita kay Freddie at agad itong inireport sa mga Pulis. Dahil dito agad siyang nadala sa isang bahay ampunan.

Subalit makalipas ang ilang taong pananatili ni Freddie sa bahay ampunan, isang mabuting pamilya ang umampon sa kanya at ito ay ang Figgers Family.

Dito naramdaman ni Freddie ang pagmamahal at pag-aaruga na kanyang hinahanap.

Simula bata ay nakitaan na si Freddie ng pagiging matalino at malikhain. Kailangan lamang niya ng suporta ng pamilya upang tuluyang lumabas ang kanyang potensyal.

Noong si Freddie ay nasa edad na 9 na taong gulang, binilihan siya ng kanyang ama ng computer at doon nagsimulang ma-develop at ang kakayahan ni Freddie.

Hindi naman mayaman ang kanilang pamilya ngunit sapat na ang pagmamahal na ipinapakita nila kay Freddie.

Sa katunayan sa isang interview kay Freddie kaya raw siya binilihan ng computer ng kanyang ama ay para makaiwas ito sa mga gulo at barkada.

“He thought that a computer might help to keep me out of trouble,” saad ni Freddie.

Hindi katulad ng ibang bata, hindi paglalaro ang inatupag ni Freddie sa kanyang computer. Bagkus ay mas naging interesado siya kung paano ito gumagana.

Mas gusto raw ni Freddie na ito ay kalasin at buuin. Dito raw niya nalaman ang silbi ng bawat piyesa ng computer.

Pagtungtong niya ng 13 taong gulang , sinubukan niyang pumasok sa isang computer repair company at sa edad na 15 nakapag patayo siya ng sarili niyang computer repair company.

“I wouldn’t recommend my path to everyone,” sabi niya.

“But it worked for me. When I was 17, I had 150 clients that needed websites and storage for their files. I just kept building from there,” dagdag niya.

Dahil sa pagiging mahilig ni Freddie sa technology, nais niyang makaimbento ng gadget na makakatulong sa kanyang ama na mayroong Alzheimer’s [email protected]

At dahil sa kanyang pagsisikap, nakagawa siya ng maliit na GPS tracker na maaaring ilagay sa sapatos.

Sa tulong nito nalaman ni Freddie kung nasaan ang kanyang ama at nakakausap rin niya ito sa pamamagitan ng sapatos.

“I created a device that I could insert in his shoe that would allow me to track him, plus talk to him through his shoe.”

“It was difficult to watch him decline — it’s something you never forget.”

“I’ve always been so grateful to him and my mom. They taught me not to let my circumstances define who I was.”

Sa tulong ng Figgers family ay naramdaman ni Freddie ang tunay na pagmamahal at ito ang naging lakas niya para maabot ang tagumpay.

Ang dating sanggol na itinapon at iniwan sa basurahan ay isa ng milyonaryo ngayon.

Ang kanyang naimbentong GPS tracker/program ay kumita ng milyon milyong dolyares.

Sa edad na 33, talaga namang successful na si Freddie at ngayon ay may-ari ng kompanyang Figgers Wireless. Ipinangalan niya ito sa apelyido ng pamilyang umampon sa kanya. Nagtayo rin siya ng charitable foundation at tinawag itong “The Figgers Foundation.”