Itak, ginamit ng lalaking ito upang maitaboy ang mapanirang buhawi na papunta noon sa kanilang lugar!

Itak, ginamit ng lalaking ito upang maitaboy ang mapanirang buhawi na papunta noon sa kanilang lugar!

Noon pa man, marami nang naranasang kalamidad ang Pilipinas na talagang sumubok sa katatagan ng maraming mga Pilipino. Nariyan na ang matinding bagyo, rumaragasang landslide o pagguho ng lupa, pagbaha, at marami pang iba.

Sa pagsalanta ng mga sakuna at kalamidad na ito ay talagang maraming mga pamilya ang naaapektuhan, mga pamilyang nawawalan ng tahanan at kabuhayan. Ngunit sa kabila ng mabigat at mahirap na mga pagsubok na ito ay nakakabangon pa rin tayo kahit papaano.

Maraming mga tumutulong sa mga lugar na naapektuhan, hindi lamang ang kanilang lokal na pamahalaan kundi maging mga pribadong tao at organisasyon din. Kahit papaano ay naroroon pa rin ang pagtutulungan at pagbabayanihan ng maraming mga Pilipino – isa sa mga kaugalian na talagang ipinagmamalaki natin.

Marahil ay pamilyar pa rin sa karamihan sa atin ang kwento na ito ng isang matapang na lalaking, gumamit diumano ng isang itak upang maitaboy ang mapaminsalang buhawi na patungo sa kanilang lugar. Walang siyentipiko at konkretong paliwanag patungkol dito ngunit marami ang humanga sa katapangan ng lalaking ito.

Mayroon din namang mga nag-alala dahil kung sakaling nagtuloy-tuloy ang buhawi sa kaniyang kinaroroonan ay tiyak na mapapahamak siya. Maririnig din sa viral video ang pagsigaw at pag-aalala ng babae sa video.

Sa ilang mga video ay makikita rin ang pinsalang natamo ng maraming mga kabahayan at maging ilang mga sasakyan ang tinangay ng naturang buhawi. Ayon din naman sa naging pahayag ng PAG-ASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), isa ang Mindoro sa mga dinaanan ng bagyong Ursula noong Pasko kung kaya naman marahil ay naging dahilan ito upang mamuo ang mapaminsalang buhawi sa kanilang lugar.

Sa mga ganitong panahon ay dapat daw maging mapagmasid at agad na lumikas kung kinakailangan. Nararapat din daw na bigyang prayoridad ang sariling buhay at buhay ng pamilya bago ang ano pa man.