Tunay na napakabuti na anak ni Ivana Alawi. Bagamat sikat na sikat, maganda at mayaman, ay hindi nito nalilimutan ang kanyang mga mahal sa buhay. Nakakapagbigay rin ito ng saya sa mga mamamayan na nangangailangan ng tulong, pati na rin sa mga manonood nito.

Umaabot ng mahigt labing-isang milyon na subscribers ang YouTube Channel ng actress. Ito na yata ang may pinaka malaking YouTube channel sa mga artista sa Philippine Showbiz. Madalas ipinapakita ni Ivana sa mga vlogs nito ang tungkol sa kanyang pamilya at pamamasyal kasama ang mga ito. Madalas ay nagkukulitan ang magkakapatid at nagaasaran ngunit hindi sila umuubra sa kanilang Mama Fatima.

Masunurin ito sa Ina at isa sa mga paraan ng dalaga na ipakita ang pagmamahal sa Ina ay ang pag-iipon nito ng pera upang makapagpagawa ng bahay para rito. Hindi rin biro ang halaga ng kinikita ni Ivana sa kanyang YouTube Channel kaya naman ay hindi na rin kataka-taka na nakapagpatayo ito ng dream house para sa kanyan Mama Fatima.

Nakabili ng lupa si Ivana na siyang pagtatayuan ng dream house ng kanyang Ina at request pa nito ay ang United International Décor umano ang magdidisenyo ng bahay.

Ibinahagi ni Ivana ang mga larawan ng bahay at dito na namangha ang mga fans at netizens nito. Puti at ginto ang kulay na pinili ni Mama Fatima para sa magiging bahay. Napaka elegante at ganda tignan ng larawan na ipinost ni Ivana sa social media.

Nakakamangha ang disenyo ng loob ng bahay lalo na’t highlight na highlight ang gold na kulay dahil halos puti ang kulay ng lahat ng kagamitan rito. May inilaan rin na garahe at terrace ang bahay. Tuwang tuwa naman si Mama Fatima sa ganda ng disenyo ng bahay at maipapatayo na rin sa wakas ang dream house nito.

Hindi rin naman kinalimutan ni Ivana ang kapatid niyang lalaki at binigyan rin niya ito ng sariling lupa kung saan ipapatayo ang future house nito.