Ivana Alawi sobrang na-amaze sa kabaitang ipinakita sa kanya ni Gerald Anderson


Naranasan umano ni Ivana Alawi kung gaano kabait ang leading man niyang si Gerald Anderson.

Sa panayam sa ABS-CBN, sinabi ni Ivana na bukod sa pagiging caring. Ay sobrang bait at propesyunal din si Gerald sa trabaho.

“He’s very, very maalaga sa co-stars niya at sa lahat so yun ang nakakatuwa sa kanya. Lahat sila actually very maalaga. Sobrang bait nila lalo na si Gerald. Kasi more on nakaka-eksena ko ngayon si Gerald recently. Sobrang na-ta-touch ako sa pagiging maalaga niya.

“Kasi may scene na tumatakbo akong nakapaa tapos siya mismo yung nagwawalis. Sabi ni Gerald sa akin, ‘Ha tatakbo ka wala kang tsinelas?’ Pero sabi ko nalinis na nila so okay lang yan.  Sabi niya, ‘Hindi, hindi akin na yung walis. Walisin ko ulit.’ Baka kasi may bubog or something kahit nalinis na siya ng production. Nagwawalis siya. Sabi ko sobrang bait naman,” pagkekwento ng dalaga.

Ngunit nilinaw ng aktres na hindi lang si Gerald ang maalaga kung hindi maging sina Sam Milby, Jake Ejercito, at Jameson Blake rin.

“Lahat sila actually maalaga,” dagdag pa ni Ivana.

Inamin din ng dalaga na noong wala pa siya sa showbiz ay super crush niya si Sam at pinapanood nito ang mga pelikula ng aktor