Sa YouTube vlog ni Ivana Alawi na “Sagot o Lagot” kasama ang kanyang kapatid na si Hash, kamakailan lamang ay kanyang naibahagi ang kanyang karanasan sa isang TV host-actress na sinungitan umano siya at sinigawan pa. Ito ang mga panahon na nagsisimula pa lang si Ivana sa entertainment industry.

Isa sa mga tanong kay Ivana ay kung may artista ba siyang nakaaway sa showbiz. Dito sinabi ni Ivana na hindi siya nakipag-away sa sinumang artista ngunit naalala niyang may isang pagkakataon na sinigawan siya ng isang TV host sa harap ng napakaraming tao noong siya ay baguhan pa lamang.

Aniya, “Ako ‘yung inaway. Then hiyang-hiya ako noon. Umiyak ako noon tapos tumawag ako kay mama. Ang sabi niya, ‘Okay lang ‘yan. Hayaan mo na.’ Kasi wala naman talaga akong mali. Kaya hindi ko maintindihan bakit ako ang pinuntahan doon at pinagsisigawan sa harap ng ibang artista.”

Muli naman isinagawa ni Ivana ang nangyari sa loob ng dressing room, at sabi pa sa kanya ng naturang host kung saan galit na galit ito habang siya ay sinisigawan at dinuduro pa nito.

“Bawal kayo pumasok kayong pumasok sa dressing room ko, bastos!”, ayon sa naturang TV host na ito.

Pagkatapos ay hiniling sa kanya ni Hash na magbigay ng clue sa pamamagitan ng pagsasabi ng unang titik ng pangalan ng host, sinabi ni Ivana ang titik na ‘M.’ Kaya naman ang mga netizens ay mabilis na nag-isip na ang host na tinutukoy ni Ivana ay ang TV host na si Mariel Padilla.

Nagkaroon pa di-umano ng espekulasyon na naging biro di-umano ni Vice Ganda ang buong pangyayari sa “It’s Showtime,” kung saan walang tigil itong pinapaalala ni Vice Ganda kay Mariel. Ilang post ng netizens sa Twitter ang nag-isip na kinumpirma ni Vice Ganda na totoong nangyari ang nasabing insidente.

Sabi ng netizens, minsang binanggit ng Unkabogable Star sa noontime show ang kuwento hinggil sa “galit” ni Mariel Padilla. Binanggit din umano ni Vice ang pangalan ni Ivana Alawi at ng kanyang personal assistant noon. Samantala si Mariel naman ay nanatiling tahimik pa rin sa isyu.