Jason Abalos at Vickie Rushton, ipinakita ang kanilang dreamy pre-nup photoshoot sa Nueva Ecija


Super inlove, ito ang makikita sa mga ibinahaging prenup pictures ng celebrity couples na sina Vickie Rushton at Jason Abalos. Ilang araw pagkatapos ng kanilang engagement announcement sa publiko ay sunod namang pinaghandaan ng dalawa ang gagawing prenup photoshoot.

Nangyari ito noong nakaraang taon sa mismong hometown ng aktor sa Pantabangan, Nueva Ecija kung saan matatagpuan ang Farm Ridge by Desmond Farm na isa rin sa mga kilalang tourist spot.

All-out ang ginawang preparasyon para sa espesyal na araw ng dalawa at “boho theme” ang napili nilang maging setup para sa photoshoot. Kinunan naman ito ng Nice Print Photography na isa sa mga celebrity favorites dahil talaga namang de-kalidad ang kanilang mga gawa.

Samantala, blooming na blooming naman si Vicky at nagmukhang anghel sa lupa dahil sa suot niyang kulay puting off-shoulder lace gown na gawa pa ng kilalang designer na si Edwin Tan. Bagay na bagay sa aktres ang outfit na nagbibigay sa kaniyang ng classic look. Gawa rin ni Edwin ang suot ni Jason na suit at match na match ito dress ni Vicky.

Makikita naman sa kanilang iba’t ibang larawan na talaga namang inlove na inlove sila sa isa’t isa. Makalipas nga ang ilang dekada ng kanilang relasyon bilang magkasintahan ay sa wakas haharap na sila sa altar para tuluyang magsama habang-buhay.

“One of the best things that happened in 2021.”, caption ng aktres sa kanilang coupe pictures.

Maraming netizens ang natuwa at kinilig para kina Jason at Vickie. Hinangaan rin nila ang pagiging matatag ng kanilang relasyon kahit na marami silang pinagdaanang pagsubok at kontrobersya.

Samantala, inamin ng dalawa na gumising pa sila ng 2:00 am para lang makuha ang napakagandang background bago sumikat ang araw. Hindi nga alintana nina Jason ang hirap ng proseso dahil gusto nila na maging perpekto at memorable ang araw na ito para sa relasyon nila ni Vicky.

Hindi naman nakalimutan ng dalawa na magpasalamat sa lahat ng tao na naging parte ng kanilang pagsasama at sa mga tao na laging nandiyan para sila ay tulungan at suportahan.

“We are beyond grateful to everyone who put a lot of effort and traveled all the way to Nueva Ecija to make this happen.”, dagdag pa ng aktres.

Congratulations sa inyo Vicie at Jason!