Jeepney driver sa gabi, estudyante sa umaga, proud na nakapagtapos ng kolehiyo; pinasalamatan ang kanyang mga naging pasahero


Tunay nga ang kasabihan na walang imposible o mahirap na gawain sa taong may pangarap sa buhay.

Isa ng patunay dito, ang college student na si Marvin Daludado na doble ang kayod sa pagpapasada ng jeepney upang matustusan ang kanyang pag-aaral at maka tulong na din sa kanyang mga magulang. *

Labis na hinangaan ng mga metizen ang kwento ni Marvin sa social media, dahil sa sipag at diskarte ng estudyanteng ito mula Caloocan at ngayon nga ay nakapagtapos na sa kursong Bachelor’s Degree in Science and Information Technology.

Ayon kay Marvin, nagsimula siya sa pamamasada ng jeep sa edad na labing-pito. Naisipan nyang mamasada para mayroon syang pambaon at pambayad ng kanyang tuition fee.

Aniya, sa simpleng pamamaraan ay napakalaking tulong na sa kanyang mga magulang upang mabawasan ang kanilang mga intindihan sa kanilang mga magkakapatid.

Nagsimula si Marvin sa pamamasada taong 2015, ngunit noon pa lang ay pinapahinto na sya ng kanyang mga magulang. At ang ama ni Marvin ay isa rin palang jeepney driver.

Ngunit kalaunan ay pinayagan na rin syang mamasada dahil na din sa pinapakitang kaisapagan at dedikasyon nito sa paghahanap-buhay. *

Photos courtesy of Facebook @Marvin Daludado

Dagdag pa ni Marvin, nagsisimula na syang bumyahe tuwing alas singko ng umaga at uuwi ng bahay ng bandang alas syete ng umaga upang pumasok naman sa paaralan.

Kung minsan pa nga daw ay halos ma-late na sya sa klase, ngunit dumadaan na lamang sya sa mga shortcuts upang makauwi ng maaga.

“May times na male-late na ako, minsan kasi dumadaan ako sa mga shortcut, tapos pag may enforcer, nakita ako, sympre hindi ka dumaan sa ruta mo, huhulihin ka nila. Tapos pinakikiusapan ko na lang sila, na male-late na ako sa school, tapos yun, minsan napagbibigyan naman nila ako.” Ani ng binata

At kung minsan may kailangan bayaran sa kanilang paaralan, pumapasada pa ang binate pagkatapos ng kanyang klase upang makaipon ng pambayad.

Ngunit ng dumating ang krisis sa pandemya, natigil sa pasada. Ngunit hindi nagpapigil si Marvin, at nakuha nitong magtinda ng mga prutas at gulay sa kalsada. *

Photos courtesy of Facebook @Marvin Daludado

Hanggang sa nagbunga lahat ng hirap at pagtitiis, narating ni Marvin ang kanyang minimithing pangarap, at ngayon nga ay natapos nya na ang kursong Bachelor’s Degree in Science and Information Technology.

Nais magpasalamat ni Marvin una sa lahat sa ating may kapal, at sa kanyang mga magulang na nagbigay sa kanya ng suporta, sa mga kaibigan at pati na rin ang mga naging pasahero niya.

“Nagpa pasalamat ako kay Lord, sa aking mga magulang, sa mga kaibigan, mga naging pasahero ko! Kung ‘di rin dahil sa inyo, ‘di rin ako nakatapos, sa mga pamasahe nyo.” Masayang wika ni Marvin.

Narating ni Marvin ang kanyang destinasyon na makapagtapos ng pag-aaral gamit ang sipag at pagtityaga sa pamamasada ng jeep. Lahat ay posible sa taong may pangarap sa buhay. Nawa’y magbigay ito ng inspirasyon sa ating lahat lalo na sa mga kabataan.

“Graduate na ako pati sa pagiging Jeepney driver salamat sa mga naging pamasahe nyo.di man natuloy yung una kong course na Computer Engineering atleast nakapagtapos na rin wala man martsa ang mahalaga nakaraos na.” dagdag pa ng binata.*

Photo courtesy of Facebook @Marvin Daludado