Jimmy Santos Pagiging Construction Worker Naman Ang Sinubukang Trabaho

Jimmy Santos Pagiging Construction Worker Naman Ang Sinubukang Trabaho

Sa isang episode ng vlog ni Jimmy Santos sa kaniyang Youtube Channel, na “Jimmy Saints”, ay sinubukan naman nito ang pagiging isang construction worker. Ibinahagi niya ang ibat ibang mga gawain at termino ng mga construction worker sa isang construction site.

Pinapahalagahan niya ang bawat trabahong pinaghihirapan ng bawat isa.

Habang nagtatrabaho ay iniinterview niya ang mga kasamahang construction worker at foreman. Sinubukan din niya na maghalo ng semento at magtupi ng mga bakal na gagamitin sa pang poste o ang tawag ay “stirrup”, aminado si Jimmy na mahirap ang ginagawa ng mga ito. Kaya saludo at proud siya sa mga construction worker.

Marami ng naitampok at nasubukang trabaho si Jimmy Santos na ipinakita niya sa kanyang mga vlogs, tulad ng pag uuling, pagba barker, pagiging carwash boy at pagtatrabaho sa palengke.

Pinag-iingat din ng mga netizen si Jimmy sa kanyang mga sinusubukan dahil sa medyo may edad na ito.

Marami ang humahanga noon pa man kay Jaime Santos o mas kilala nating “Jimmy Santos”, dati siyang basketball player at actor, tv host at komedyante. Pinakamatagal niyang proyekto ay isang Dabarkads sa Eat Bulaga.

Hindi man natin siya nakikita sa telebisyon ay patuloy pa rin ang kanyang pag papasaya mula Batanes hanggang Jolo.