Ang sikat na TV personality na si Jinkee Pacquaio ay kilalang-kilala sa kanyang pagiging isang fashionista. Kaya naman lagi siyang kontrabersyal sa mata ng iba dahil sa mga yaman na kanyang ibinabahagi sa social media.

Kagaya na lamang ng kanyang mamahaling Rolex Rainbow Daytona na relo na nagkakahalaga pala ng Php16.3 million. Na i-spotan si Jinkee na suot ang mamahaling relong ito habang sila pauwi sa kanilang bahay sa General Santos City.

At ibinahagi rin ito ni Jinkee sa kanyang Instagram Stories parehong araw na nakita ito sa kanya ng mga netizens. Mayroon ding mga hollywood celebrities na kapareho ni Jinkee na nagsusuot ng mamahaling rolex na ito kagaya na lamang nina Post Malone, John Mayer, Adam Levine, Miley Cyrus, Mark Wahlberg at Kevin Hart

Ang mamahaling rolex na ito ni Jinkee ay isang Swiss luxury watchmaker ng Rolex kung saan itong Rolex Rainbow Daytona ang kanilang bagong labas sa Baselworld 2018 sa Switzerland. Ang “Rolex Daytona 116595 RBOW,” ay talagang mamahaling relo kung saan ito ay may 36 baguette-cut sapphires sa palibot ng bezel, 11 more as hour markers, at 56 brilliant-cut diamonds. At ang gemstones pa nito ay gawa sa patented rose gold alloy na Everose.

Ayon pa sa BusinessInsider.com, ang mamahaling relong ito ay nagkakahalaga sa halagang $96,900 hanggang PHP4.8 million noong ito ay inilabas noong 2018. Samantala, ang rolex naman na suot ni Jinkee ayon sa PEP.ph ay nabili ni Jinkee sa halagang Php2.7 million.

Sa kabilang banda, ang halaga ng relong ito ngayon ay double ng apat na beses ang halaga sa global online marketplace for luxury watches founded in 2003, at ngayon ito ay nagkakahalaga na ng $329,519 hanggang PHP16.3 million.

Sa yaman ng mga Pacquaio ngayon, hindi alintana na makabili sila ng mga mamahaling gamit na milyon ang halaga. Kaya marahil sa ngayon at sa malamang baka magiging usap-usapan na naman si Jinkee sa social media dahil sa kanyang yayamaning relo.

Read also:

Hindi naman masamang mangarap”: Ayon kay Jinkee Pacquiao, patungkol sa kanyang sa pagiging ‘first lady’ ng bansa

Dahil nga usap-usapan ngayon ang opisyal na pagtakbo ni Senator Manny Pacquiao bilang susunod na Presidente ng bansang Pilipinas.

Sa pagtakbo ni Senator Manny Pacquiao hindi naiwasan na tanungin ng kilala ring talent manager na si Annabelle Rama na tanungin ang kanyang kaibigan na si Jinkee Pacquiao kung handa na nga ba itong maging ‘first lady’ kung sakaling manalo si Senator Manny sa kampanya.

Ayon nga sa inilabas na payahag ng ‘Philippine Star’ noon lamang July 7 ngayong taon ay ibinunyag ni Annabelle kung saan isa siya sa mga malalapit na kaibigan ng mga Pacquiao. Dito ibinahagi niya ang naging sagot ni Jinkee sa naging tanong nito sa kanya.

Saad ni Jinkee, nawa’y magdilang anghel umano daw ito. Pagkukwento pa ni Anabelle,

“Sabi ko kay Jinkee, ‘Day, ready ka ba maging First Lady?’ Tumawa lang, ‘Tita naman, sana magdilang anghel ka,’ sabi sa akin. ‘Siempre, (di) naman masamang mangarap,’ sabi niya, ‘pero wala pa sa ulo ko yan.’”

Samantala ay sinabi din ni Senator Manny kay Annabelle na naghihintay pa siya ng mensahe mula sa itaas para sa mga desisyon nito sa susunod na taon.

Ani ni Senator Manny, “Pero kasi yung presidente, destiny yan, sabi niya. ‘Pag binigay sa akin sa itaas, tatanggapin ko ng maayos. Pero ‘pag wala talagang sign for me to be in a higher position, di naman ako nagmamadali, sabi niya sa akin.”

Matatandaan naman na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang si Senator Manny at ang Pangulong Duterte dahil sa usapin umano ng korapsyon kaya naman nanganganib na hindi makatanggap ang pambansang kamao ng suporta mula sa Presidente.

Samantala, si Jinkee naman ay mayroon na ring karanasan sa public service matapos nitong maging Vice Governor ng Saranggani Province mula 2013-2016.

Hanggang sa nag desisyon na lamang ito na hindi na muli pang tumakbo sa pulitika dahil gusto na lamang niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang asawa at mga anak.

Read also:

Marian Rivera bιnαnαtαn ang mga bυmαbαtιkσs sa kanya: “Aanhin ko ang kagalingan sa pag-i-Ingles”

Isa sa pinakasikat at malaking artista ngayon sa showbiz industry si Marian Rivera na kilala hindi lang sa pagiging magaling sa pag arte kung hindi isa rin sa may pinakamagandang mukha sa industriya.

Nagtrending ang binitiwang salaysay ni Marian tungkol sa isyu ng pagsasalita ng ingles na ipinupukol sa kanya ng mga taong bιnαbαtιkσs ang kanyang karunungan sa pagamit ng banyagang wika.

Aminado din ang aktres na hindi siya ganoon kagaling at kabihasa sa pagsasalita ng ingles pero para sa kanya hindi ito ang sukatan ng katalinuhan ng tao.

“Kapag hindi ka ma­galing mag-Ingles pero maprinsipyo ka sa buhay mo, kapag mapagmahal kang anak, mabait kang kaibigan, ibig sabihin pa nu’n bobo ka?” buwelta ng Kapuso star.

Deritsahang sagot ni Marian na kung ang basehan ng pagiging matalino ay ang kagalingan ng isang tao sa pagsasalita ng ingles ay mas pipiliin niya na lang na ‘wag nalang maging matalino.

Dagdag din niya na para saan pa ang pagiging bihasa sa ingles ng ibang tao kung wala naman itong diskarte sa buhay at kung hindi nila binibigyan ng halaga at importansya ang mga magulang at nakakalimot sa mga taong nasa paligid niya.

“Aanhin ko ang kagalingan sa pag-i-Ingles kung hindi naman ako marunong dumeskarte at hindi ako mapagmahal sa mga magulang ko, o nakakalimutan ko ang mga kaibigan ko. Kung ang definition ng pagiging matalino ay mag-English lang, ‘wag na lang akong maging matalino,”

Patuloy ang pagiging matagumpay ni Marian hindi lang sa kanyang trabaho maging man sa magandang pamumuhay nila DingDong Dantes ang ng dalawa nilang anak si Zia at si Sixto na kapwa nagmana sa kanila, parehas mga nag-uumapaw ang kagandahan at kagwapohan at posible ring sumunod sa kanilang mga yapak sa mundo ng pag-aartista.