Jinkee Pacquiao, pumunta sa Switzerland kung saan nag-film ang sikat na Korena Drama na “Crash Landing On You’


Isa ang Korean Drama na ‘Crash Landing On You’ na umabot sa mahigit ilang milyong viewers dahil sa napakagandang storyline nito at dahil na rin sa napaka gandang chemistry ng dalawang bida. Sobrang nakakakilig kasi ang scenes nito at talaga namang pati ang kanilang filming locations sa Switzerland ay agaw pansin dahil sobrang ganda ng mga scenic views dito.

At dahil na rin isang certified avid Korean drama lover and fan ang celebrity na si Jinkee Pacquiao, talagang pinuntahan pa niya ito sa Switzerland para lang makapag-papicture sa mga famous locations na kanilang pinag-sh0oting-an.


Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Alam nating lahat kung gaano kamahal ang mag-travel sa Switzerland lalo na sa panahon ngayon na napakamahal ng mga plane at hotel tickets, subalit para sa mga Pacquiao ay one click away lamang at makakarating na sila sa kanilang mga destination na nais puntahan.


Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao


Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Kaya naman para ma-fulfill ang Korean heart ni Jinkee ay talagang pumunta silang pamilya sa Switzerland sa mismong Interlaken Region kung saan nag-film ang famous ‘Crash Landing On You’ stars.


Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao


Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Sobrang ganda nga naman talaga ng scenery dito kung saan overlooking ang mga big mountains at lake. Nag-photoshoot pa nga ang dalawa kung saan makikita na sweet na sweet sila na para bang pre-nuptial photos nila ito.


Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Matapos nga nilang pasyalan ang Zurich Switzerland ay sumunod nilang binakasyunan ang Monte Carlo, Barcelon at Madrid Spain. Buong pamilya Pacquiao ay kasama sa kanilang Europe Trip kaya naman napaka swerte ng kanilang mga anak dahil naranasan nila ang ganitong klase ng mga travels.


Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Kaya naman maraming netizens ang sobrang nainggit at napa-sana all dahil sila ang kauna-unahang Pinoy celebrity na nakapunta mismo sa filming locations ng ‘Crash Landing on You’ matapos itong umere sa ‘Netflix’ noong kasagsagan ng pandemya.


Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Kilig na kilig nga ang mga netizens sa photoshoot ni Jinkee at Manny dahil makikita ang sweetness nilang dalawa sa isa’t isa at tila ni-remake nila ang photoshoot ng Korean Drama na ito.

So romantic!! Sana all makapunta ng Switzerland!