Ayon kay senador Manny Pacquiao na hinding hindi umano magiging kagaya ng dating first lady ng Pilipinas na si Imelda Marcos kapag siya umano ang mananalong Presidente ng Pilipinas sa darating na eleksyon.

Ito ang mga nabanggit ni Pacquiao sa naging virtual forum niya nitong November 4, na inorganisa ng Rotary Club of Manila. Ayon din kay Manny na nakatuon lamang silang mag-asawa sa mga charity work nito.

Ayon kay Pacquiao “Tinitiyak ko ‘yan. Kilala ko yung asawa ko, hindi siya ganun. Ang gusto ng asawa ko, magserbisyo, tumulong sa mga kababaihan at lalung-lalo na yung mga mahihirap.”

Dagdag niya pa, “Gusto niya yung pagbibigay ng scholarship, pagbibigay ng housing sa mga pamilya at yung sustainable livelihood. Gusto niya yung mga charity work.”

Nakilalang naging maluho ang dating first lady noong pangulo pa ang namayapang si Ferdinand Marcos Sr. dahil ayon napabalita ang kaniyang pagkahilig sa mga mamahaling mga koleksyon ng mga sapatos, damit, alahas, at paintings.

Imedific din ang naging bansang noong sa first lady na ang ang ibig sabihin ay labis na pagpapakita ng marangyang pamumuhay.

Nakapanayam din si Pacquiao ng GMA news Online at dito sinisigurado niyang hindi magiging kagaya ni Jinkee si Imelda, at sinabi rin nitong walang interes ang kaniyang asawa sa pulitika kahit na naihalal siyang gobernadora ng Sarangani noong 2013.

Ayon sa kaniya, “Ang asawa ko po ay mahiyain at hindi po mahilig sa pulitika. Naging vice governor sa Sarangani tapos isang term lang hindi na po tumakbo, kasi kaya lang po naging vice governor yun dahil napilitan lang po siya.”

“May problema lang po doon sa mga kasamahan ko, nag-away-away sa position. So, ang inilagay ko yung asawa ko in one term, tapos hindi na siya tumakbo dahil hindi siya mahilig sa pulitika.” Aniya pa.

Makailang beses nang naging sentro ng puna ng netizens si Jinkee dahil sa kanyang mamahaling mga kasuotan, bags, at alahas na madalas naka-post sa kanyang social media at nakikita sa mga laban ni Pacquiao.

Maraming beses narin naging usap-usapan ng mga netezin ang pagpopost ni Jinkee ng kaniyang mga mamahalang damit bag at alahas sa Social Media at ang pinakahuling umani ng maraming reaksyon ang ang kaniyang naging suot noong huling laban ng pambansang kamao laban kay Ugas.

Kabilang si Marcos sa magiging kalaban ni Pacquiao sa presidential race ngayongeleksyon, kasama na dito sina Ping Lacson, Isko Moreno, Leni Robredo at Bato dela Rosa.

Read also:

Hindi naman masamang mangarap”: Ayon kay Jinkee Pacquiao, patungkol sa kanyang sa pagiging ‘first lady’ ng bansa

Dahil nga usap-usapan ngayon ang opisyal na pagtakbo ni Senator Manny Pacquiao bilang susunod na Presidente ng bansang Pilipinas.

Sa pagtakbo ni Senator Manny Pacquiao hindi naiwasan na tanungin ng kilala ring talent manager na si Annabelle Rama na tanungin ang kanyang kaibigan na si Jinkee Pacquiao kung handa na nga ba itong maging ‘first lady’ kung sakaling manalo si Senator Manny sa kampanya.

Ayon nga sa inilabas na payahag ng ‘Philippine Star’ noon lamang July 7 ngayong taon ay ibinunyag ni Annabelle kung saan isa siya sa mga malalapit na kaibigan ng mga Pacquiao. Dito ibinahagi niya ang naging sagot ni Jinkee sa naging tanong nito sa kanya.

Saad ni Jinkee, nawa’y magdilang anghel umano daw ito. Pagkukwento pa ni Anabelle,

“Sabi ko kay Jinkee, ‘Day, ready ka ba maging First Lady?’ Tumawa lang, ‘Tita naman, sana magdilang anghel ka,’ sabi sa akin. ‘Siempre, (di) naman masamang mangarap,’ sabi niya, ‘pero wala pa sa ulo ko yan.’”

Samantala ay sinabi din ni Senator Manny kay Annabelle na naghihintay pa siya ng mensahe mula sa itaas para sa mga desisyon nito sa susunod na taon.

Ani ni Senator Manny, “Pero kasi yung presidente, destiny yan, sabi niya. ‘Pag binigay sa akin sa itaas, tatanggapin ko ng maayos. Pero ‘pag wala talagang sign for me to be in a higher position, di naman ako nagmamadali, sabi niya sa akin.”

Matatandaan naman na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang si Senator Manny at ang Pangulong Duterte dahil sa usapin umano ng korapsyon kaya naman nanganganib na hindi makatanggap ang pambansang kamao ng suporta mula sa Presidente.

Samantala, si Jinkee naman ay mayroon na ring karanasan sa public service matapos nitong maging Vice Governor ng Saranggani Province mula 2013-2016.

Hanggang sa nag desisyon na lamang ito na hindi na muli pang tumakbo sa pulitika dahil gusto na lamang niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang asawa at mga anak.

Read also:

Marian Rivera bιnαnαtαn ang mga bυmαbαtιkσs sa kanya: “Aanhin ko ang kagalingan sa pag-i-Ingles”

Isa sa pinakasikat at malaking artista ngayon sa showbiz industry si Marian Rivera na kilala hindi lang sa pagiging magaling sa pag arte kung hindi isa rin sa may pinakamagandang mukha sa industriya.

Nagtrending ang binitiwang salaysay ni Marian tungkol sa isyu ng pagsasalita ng ingles na ipinupukol sa kanya ng mga taong bιnαbαtιkσs ang kanyang karunungan sa pagamit ng banyagang wika.

Aminado din ang aktres na hindi siya ganoon kagaling at kabihasa sa pagsasalita ng ingles pero para sa kanya hindi ito ang sukatan ng katalinuhan ng tao.

“Kapag hindi ka ma­galing mag-Ingles pero maprinsipyo ka sa buhay mo, kapag mapagmahal kang anak, mabait kang kaibigan, ibig sabihin pa nu’n bobo ka?” buwelta ng Kapuso star.

Deritsahang sagot ni Marian na kung ang basehan ng pagiging matalino ay ang kagalingan ng isang tao sa pagsasalita ng ingles ay mas pipiliin niya na lang na ‘wag nalang maging matalino.

Dagdag din niya na para saan pa ang pagiging bihasa sa ingles ng ibang tao kung wala naman itong diskarte sa buhay at kung hindi nila binibigyan ng halaga at importansya ang mga magulang at nakakalimot sa mga taong nasa paligid niya.

“Aanhin ko ang kagalingan sa pag-i-Ingles kung hindi naman ako marunong dumeskarte at hindi ako mapagmahal sa mga magulang ko, o nakakalimutan ko ang mga kaibigan ko. Kung ang definition ng pagiging matalino ay mag-English lang, ‘wag na lang akong maging matalino,”

Patuloy ang pagiging matagumpay ni Marian hindi lang sa kanyang trabaho maging man sa magandang pamumuhay nila DingDong Dantes ang ng dalawa nilang anak si Zia at si Sixto na kapwa nagmana sa kanila, parehas mga nag-uumapaw ang kagandahan at kagwapohan at posible ring sumunod sa kanilang mga yapak sa mundo ng pag-aartista.