Jodi Sta. Maria, ibinahagi ang kaniyang Dubai Vacation sa napakamahal na hotel sa buong mundo

Jodi Sta. Maria, ibinahagi ang kaniyang Dubai Vacation sa napakamahal na hotel sa buong mundo

Mula sa pagdiriwang ni Jodi Sta. Maria para sa kaniyang 40th birthday sa Amsterdam, tila all out ang aktres sa kaniyang travel galore dahil hanggang Dubai ay nakarating ito matapos niyang mapuntahan ang iba’t ibang bansa katulad ng czech republic at budapest.


Image courtesy: Instagram/jodistamaria

Sa kaniyang Instagram posts, ibinahagi ni Jodi ang kanilang mga travel photos kasama ang kaniyang anak na si Thirdy at ang ilang mga kaibigan nito sa ibang bansa. Sobrang light and happy nga ng aktres sa kaniyang mga photos dahil isa ito sa kaniyang longest and big vacation matapos ang pagta-trabaho ng matagal sa kaniyang teleserye.


Image courtesy: Instagram/jodistamaria

Matapos niyang lumipat lipat at mag-visit sa Amsterdam, Budapest at Czech Republic, ngayon ay ibinahagi ni Jodi ang kanilang super fun Dubai adventures ni Thirdy.


Image courtesy: Instagram/jodistamaria

Sa kaniyang posts nga ay makikita na ito ay nakapasyal at nakapagkape sa Burj Al Arab Dubai United Arab Emirates, ito ang tallest all suite hotel sa buong mundo na mayroong mga napakamahal na mga hotel rooms at food rates.


Image courtesy: Instagram/jodistamaria

Maging ang simpleng coffee na kaniyang inorder dito ay covered with glitter gold na talaga namang nakakamangha ang presyo! Nagkakahalaga lang naman ito ng mahigit isang libong piso para sa isang tasa ng kape!


Image courtesy: Instagram/jodistamaria

“I had to remind myself not all that glitters is gold sometimes it’s coffee… Cappuccino sprinkled woth 24 carat gold flakes”, ito ang caption ni Jodi sa kaniyang Instagram post.


Image courtesy: Instagram/jodistamaria


Image courtesy: Instagram/jodistamaria

Bukod pa doon ay ma-swerte rin nakita ni Jodi ang napakagandang Dubai sa pamamagitan ng exclusive Helicopter ride nila ni Thirdy kasama ang kaniyang mga kaibigan. Kitang kita sa kaniyang posts kung gaano kaganda ang Dubai on air.


Image courtesy: Instagram/jodistamaria

Kwento nga ng aktres, simple lang naman talaga silang traveller ni Thirdy dahil katulad ng mga locals sa mga bansa na kanilang pinupuntahan ay madalas din silang mag-train station upang makarating sa kanilang mga itinerary.


Image courtesy: Instagram/jodistamaria

May pagkakataon pa nga daw na talagang pumipila pa sila at kung saan saan umuupo upang mag-antay ng kanilang departure details.


Image courtesy: Instagram/jodistamaria

Swerte nga raw ang aktres dahil kahit na commuters lamang sila ay walang ka-arte arte ang kaniyang anak na si Thirdy.


Image courtesy: Instagram/jodistamaria

Very patient and understanding daw ito at hindi mainipan kahit noong siya ay bata pa lamang kaya naman mas enjoy na enjoy si Jodi sa kanilang bakasyon.

Enjoy your vacation Jodi. Sta Maria! Well deserved break!