Kahit Bulag si Tatay, Nakuha pa ring Magtrabaho bilang Construction Worker,”Parang may Nagsasabi na Wag Ako Dyan” Bilang kanyang Gabay.

Kahit Bulag si Tatay, Nakuha pa ring Magtrabaho bilang Construction Worker,”Parang may Nagsasabi na Wag Ako Dyan” Bilang kanyang Gabay.

Walang ibang Super Hero na kinikilala ang mga anak kundi ang kanilang Ama, lalo na kapag nakita nila ang bigat at hirap ng sakripisyo na kanilang ginagawa para sa pamilya. Mahirap ang maghanapbuhay lalo na kapag ipinanganak kang sala’t na sa buhay.

Pero paano naman ang mga kababayan nating may kapansanan? Kung nahihirapan tayong normal, paano na lamang sila? Subalit ang ating makikita sa kanila ay buhay na puno ng pag-asa at ginagawang posible ang lahat.

Katulad na lamang ni Tatay na sa kabila ng kanyang kapansanan bilang bulag ay nakuha pa nitong maglakad at maghanapbuhay. Paano niya nilalabanan ang kanyang kapansanan? Paano daw kung mayroong sasakyan sa kanyang nilalakaran at di niya alam ang nasa kanyang unahan?

Isang construction worker po si Tatay at taga tinda ng walis kapag mayroong paninda ito. Isang vlogger na si Virgelyncares ang muling nakapansin kay tatay at nag viral nga ang kanyang video na ini-upload ng vlogger. Bihira kasi ang isang matandang lalaki na nag tatrabaho kahit ito ay may kαραnsαnαng iniinda.

Habang sila ay nag uusap di mawala ang ngiti at saya sa mukha ni Tatay jimmy. Tunay ngang kahit anong hirap ang danasin ng isang tao mas nanaisin nitong makatulong kahit na ito ay may kαραnsαnαng iniinda, binigyan din ni Virgelyncares si Tatay Jimmy ng pangkabuhayan para pandagdag sa kanyang binabalak na Negosyo.

“Sana marami pa kayong matulongan mabalos sainyo mam GODBLESS PO”

Kilala si Virgelyncares sa pagtulong sa mga taong may kapansanan. Kaya’t marami pa sana siyang matulungang ibang tao at maging magandang ehemplo.