Kakampink comedians na sina K Brosas at Pokwang, naaksidente habang nagmamaneho sa US


Sobra ang pag-aalala ng mga fans nila K Brosas at Pokwang matapos mapabalita na nasangkot sa isang aksidente ang dalawa habang sila ay nagto-tour sa Estados Unidos.

Sa kanyang tweet, inamin ni K na nasaktan nga sila sa nangyaring aksidente ngunit pinuri naman nito ang mabilis na pag-responde ng mga emergency personel para sila ay gamutin.

Sinigurado naman ni K na ligtas na sila ngayon.

“So na car accident kami kanina, thank You lord at safe naman kami, ako lang ang may minor cut at may konting bruises. naloka ako sa bilis ng pagdating ng ambulance firetrucks etc.. na check naman ako at ok lang, mabuti malaki yung pickup truck kung saan kami nakasakay. TYL!” sabi ng komedyante.

“eto po pala itsura ng bangga.. sa side ko talaga impact kaya ako lang ang mejo na injure ng burberry light lang malayo sa bituka hehe.. still thank you lord talaga.. ok pa rin naman ako at kaming lahat. stay safe po.” dagdag niya pa.

Nagbahagi pa ito ng video upang patunayan na nakapunta pa sila sa restaurant matapos ang aksidente.

“Salamat po sa mga well wishers.. ok naman na kami at eto steak at wine with emotions! cheers and tables at thank you Lord talaga! lablablab!” sabi pa niya.

steak at wine with emotions! cheers and tables at thank you Lord talaga! lablablab!” sabi pa niya.

 

Sa ngayon ay tuloy tuloy parin ang kanilang tour na ikinatuwa naman ng kanilang mga fans sa US.