Ken Chan nagbigay suporta sa pagbubuntis ni Rita Daniela, mga fans nila nalungkot para sa aktor

Ken Chan nagbigay suporta sa pagbubuntis ni Rita Daniela, mga fans nila nalungkot para sa aktor

Buo ang suporta ni Ken Chan para sa ka-love team na si Rita Daniela na kinumpirma na ang kanyang pagbubuntis.

Bagama’t isang malaking palaisipan pa rin sa mga Marites kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ni Rita. Umaapaw naman ang ipinakitang malasakit ni Ken Chan para sa kanya.

Sa social media post ni Ken, ipinahayag niyang buo ang suporta niya para kay Rita. Proud din umano siya sa aktres dahil alam niyang kayang kaya ni Rita ang magiging bagong journey nito.

Ani Ken sa kanyang post, “To you and your baby, Miracles are worth their weight in gold, if not many times more. I’m here if you need anything at all, as a friend, as someone you can always rely on. I pray to God for the utmost positivity, protection, support and love to surround you and your baby. As a friend, as someone who cares, I’ll always be here for you no matter what. You’ve always been incredible and strong, and certainly, You. You’ve got this, and without a doubt, you will only continue on to be that much more incredible, always. I am so proud of you Rita Daniela!”

Ilan naman sa mga fans ng tambalang RitKen ang nalungkot para sa Kapuso actor. Ito ay nang malaman nila na hindi pala si Ken ang ama ng ipinagbubuntis ni Rita.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Congraaaaats! pero akala ko talaga ikaw na yong ama”

“akala ko ikaw ang father… hehehe joke lang… rita is so lucky to have a friend like you. God bless”

“syakkk… hindi pala si Boyet ang ama.. why naman ganun Aubrey. Shot puno”

Sumikat ang tamabalan nina Rita at Ken sa ‘My Special Tatay’ bilang sina Aubrey at Boyet.