Kilalanin Ang Bagong Crush Ng Bayan Na Si Angeli Khang, Isang Half-Korean Actress!

Kilalanin Ang Bagong Crush Ng Bayan Na Si Angeli Khang, Isang Half-Korean Actress!

Marami ngayon sa mga kabataan ang nagiging mas matapang sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Sa katunayan, lahat ay kaya nilang gawin at isakripisyo para dito tulad nalang ng sumisikat ngayong aktres na si Angeli Khang. Sa murang edad pa lang ay alam na niya kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay at ito nga ay ang pag-aartista.

Nag-umpisa ang dalaga sa pagsali sa modeling, commercial shoots at naglalaan din ng panahon sa cosplaying. Hindi nga maikakaila ang angkin niyang ganda kaya naman effortless nitong nahuli ang atensyon ng mga netizens at ngayon ay hinirang siya bilang isa sa mga bagong “crush ng bayan”.

Ngunit ganoon pa man ay hindi naging madali ang lahat para kay Angeli dahil una ay militar ang kaniyang Daddy at conservative naman ang kaniyang Mommy. Sa katunayan ay gusto ng kaniyang ama na sumunod siya sa kaniyang yapak at pagsilbihan ang bayan.

“When Daddy knew about my modeling he wasn’t supportive kasi ang gusto niyang mangyari sa akin ay sundan ang landas niya sa army.”, kwento ng dalaga.

Sa kabila nito ay naging mas maigting ang kagustuhan ni Angeli na pumasok sa show business at dahil sa kaniyang pagpupursigi ay napapayag niya din ang kaniyang Mommy. Hindi pa dito huminto ang aktres dahil nagdesisyon siyang itigil muna ang kaniyang pag-aaral para makapag-focus sa kaniyang career.

“Nagawa ko ito dahil dream ko maging artista. Kaya nung nagkaroon ako ng opportunity, I left my school dahil isang opportunity lang ito sa buhay.”, dagdag pa niya.

Sa ngayon ay sunod-sunod ang mga projects na ginagawa ni Angeli sa ilalim ng VivaMax at ilan dito ang mga [email protected] roles niya sa Taya, Mahjong Nights, at Eva. Marami nga ang halos hindi makapaniwala na noong nakaraang taon lang nag-umpisa ang dalaga sa entertainment industry dahil ngayon ay kahanay na niya ang ilan pa sa mga kinikilalang “crush ng bayan” kagaya ni AJ Raval.

Ang latest movie ngayon ng aktres ay ang “Silip Sa Apoy” na tinaguriang “highest viewers ever” dahil umabot ito sa 250,000 views noong opening week.

Muli lang pinatunayan ni Angeli Khang na hindi hadlang ang edad sa pag-abot ng ating pangarap at kung talagang gusto mong makamit ang tagumpay, kailangan mong mag-focus.