Kilalanin si Lola Corcondia Relleta 83 years old nakapag tapos ng High School sa pamamagitan ng ALS

Kilalanin si Lola Corcondia Relleta 83 years old nakapag tapos ng High School sa pamamagitan ng ALS

Ipinagmamalaking ibinahagi ni Gorgie Relleta ang mga larawan ng pagtatapos sa high school ng kanyang 83 taong gulang na lola na si Concordia Relleta.


Aniya, pangarap ng kanyang lola na makapagsuot ng toga, kaya kahit matanda na nagsumikap si Lola Concordia na makapagtapos sa high school sa pamamagitan ng Alternative Learning System.


Sa kabila ng katandaan, patuloy pa rin siyang nagtatrabaho bilang street sweeper ng barangay para matustusan ang kanyang mga pangangailangan tulad ng kaniyang mga gamot


Ayon sa uploader na si Gorgie ay pangarap daw ni Lola Corcondia Relleta ng Samar ang makapagsuot nuon ng toga, hindi nagpapigil at nag-aral muli ito kahit na sya ay matanda na ay nag enrol ito ng High School sa pamamagitan ng ALS.


Hindi naman nagtagal at dahil sa determinasyon at sipag ay nakapagtapos si Lola ng High Schol kamakailan sa edad na 83.