Kris Aquino at 2 anak na si Josh at Bimby nagpositibo sa covid!

Kris Aquino at 2 anak na si Josh at Bimby nagpositibo sa covid!

Nito nga lamang naging usapin online ang nilabas na pahayag ni Kris Aquino kaugnay sa kalagayan nito ngayon.

Dahil ang Queen of All Media na si Kris Aquino ay tinamaan ng covid-19! kasama ang dalawa nitong anak sa Texas, USA.

Ayon kay Kris unang na diagnose si Kuya Josh  na sinundan naman ni Bimby  nito lamang din Lunes ng Hunyo 20.

Paghahayag ni Kris, “Nurse took his (Josh) temperature then they got antigen kits. Tested him first because he was unlike himself,”

Pagdadagdag pa nito, ”I was in our room upstairs asleep. Nurse woke me up to tell me that kuya was positive. I honestly could understand what she was trying to tell me. Until bimb came to explain and he told me to put on my mask,” 

Matapos nga ng mga pangyayaring ito ay agad namang umalis si Kris at Bimby sa tinutuluyan nila ngayon sa USA, gayun naiwan si Kuya Josh dito na inaalagan naman ng isang nurse.

Aniya nito, “My instinct was to go and hug kuya but everyone told me I needed to leave immediately and move to a hotel because I was severely immuno compromised and being covid positive would mean ICU for me,- Kris

Saad naman ni Kris masakit para sakanya na iwanan doon si kuya Josh. Gayun kailangan niya ito gawin dahil mag de-delikado si Bimby dahil ito’y may asthma.

Gayunpaman sa kabila ng ginawa nilang unang hakbang ay tinamaan pa din ang bunso nitong si Bimby.

Sa huling bahagi naman ng naturang  post nito nag-iwan ito ng isang maiksing mensahe pa aniya,

”Promise, pag may good news ako, after thanking God & telling my sisters & my trusted friends- you’ll see a post from me. In God’s perfect timing,”