Kris Aquino binanatan ang mga Marcos sa kanyang tell-all: “Nagbuwis ang mom and dad ko for our country at ito ang kulay nila”

Kris Aquino binanatan ang mga Marcos sa kanyang tell-all: “Nagbuwis ang mom and dad ko for our country at ito ang kulay nila”

Inilabas na ni Kris Aquino ang pinakahihintay ng mga tao na kanyang tell-all video kung saan ay may matindi itong rebelasyon tungkol sa mga isyu na kanyang kinakasangkutan.

Sa nasabing tell-all, iginiit ni Kris na hindi siya galit sa kahit sinumang posibleng kandidato sa susunod na taon maliban kay Bongbong Marcos dahil hindi naman sila nagbayad para siraan ang pamilya Aquino.

Ayon kay Kris ay maraming atraso sa kanilang ang pamilya Marcos dahil na nga sa nangyari noong Martial Law at People Power Revolution.

Tila sinabi rin niya na sangkot si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa pagkasawi ng kanyang ama na si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

“Tatapusin ko to by saying, who actually benefits by erasing the legacy of my parents, sino ang nagtanggal ng freedom of speech sa Pilipinas, sino ang nagpakulong at ngpptay kay Ninoy Aquino?” tanong ni Kris.

“Wala akong party affliation, pero alam ko kung sino ang napatalsik at gustong gusto kaming gantihan dahil kulang para sa kanila ang ginawa nila sa dad ko,” sabi pa niya.

Sinabi niya pa na hindi niya hahayaan na madungisan ang ginawa ng kanyang ama na si Ninoy at ina na si dating Pangulong Cory Aquino para sa bayan.

Ikinumpara niya ang katapangan ng kaniyang pamilya sa mga Marcos na umalis ng bansa matapos ang EDSA 1.

“Ilang beses po kaming sinubukang ptayin, pero eto po ang diperensiya, never po kaming umalis, hindi naduwag ang nanay ko,” saad niya.

Ipinagmalaki niya rin ang nagawa ni Cory para protektahan siya noong nagkaroon ng kudeta laban sa administrasyon ng kanyang ina.

Naging emosyonal na siya matapos niyang ikuwento ang pagmamahal ng kanyang ina sa kanila.

Nangako si Kris na hindi niya hahayaan na hindi siya papalag sa mga taong gustong siraan ang mga malalapit sa kanya.

“Napagod na ako, napagod na akong magpaapak,” ani Kris.

Umabot na ng libo libong reactions at views ang nasabing tell-all video ni Kris.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga Marcos sa sinabi ni Kris.