Kris Aquino, Ipinagbilin na Sina Josh at Bimby sa Kanyang Mga Kapatid

Kris Aquino, Ipinagbilin na Sina Josh at Bimby sa Kanyang Mga Kapatid

Inilantad ni Cristy Fermin na ibinilin na umano ni Kris Aquino ang kaniyang mga anak na sina Bimby at Josh sa kaniyang mga kapatid. Sa ‘Showbiz Now Na!’, ibinahagi ni Cristy ang kaniyang nasagap na impormasyon kung saan pinagkatiwala na raw ng ‘Queen of All Media’ ang kaniyang mga anak. Ito ay dahil sa lumalalang kondisyon ng kalusugan ni Kris.

“Ito po ‘yung nakakalungkot. Kwento rin po naman ito mula din sa kanilang pamilya, na si Kris daw, ipinagbibilin na si Josh at saka si Bimby sa kanyang mga kapatid,” ayon kay Cristy.

“Kung ano man ang mangyari sa kanya, alam ng kanyang mga kapatid kung ano ang gagawin,” dagdag pa niya.

Ani pa ni Cristy, naaawa siya kina Josh at Bimby dahil sa posibilidad na mawalan sila ng ina sa murang edad. Si Kris ay may ilang autoimmune illness, na ayon sa kaniyang mga doktor ay posibleng magdulot ng pinsala sa kaniyang puso at lungs.