Kyut na kyut na aso, halakhak ang dinulot nang masaktuhang pinaglalaruan ang pustiso ng kanyang amo.


Isa nga sa mga paboritong hayop o ‘pet’ ng karamihan ay ang aso. Bukod sa iba’t ibang magagandang lahi nito ay madali rin silang turuan at isa sa mga matatapat na hayop kaya na rin sila tinaguriang, “man’s bestfriend.”

May kamahalan man ang mga pangangailangan nito tulad ng pagkain, bitamina at kung anu-ano pa ay patuloy pa rin na dumarami ang nahuhumaling na mag alaga nito.

Ang iilan pa nga ay itinuturing na kanilang mga ‘fur babies’ na parte ng kanilang pamilya. ‘Fur mommy’ o ‘fur daddy’ naman ang bansag sa mga kumokonsidera sa kanilang mga alagang tuta bilang kanilang mga anak.

Negosyo ring maituturing ang pag-aalaga ng aso dahil sa mga tinatawag na pagpapalahi o pagbe-breed. Minsan naman ay nagsisilbi sila bilang dagdag seguridad dahil talaga namang mapagkakatiwalaan at maaasahan sa oras ng panganib ang mga alagaing aso.

Maggie | thedailyfeed.org

Maggie | thedailyfeed.org

At syempre pa ay hindi nawawala ang kakulitan ng mga ito. Tulad na lang ng alagang aso ni Eunice na si Maggie. Si Maggie ay mula sa pinag halong breed ng Shih Tzu, Poodle, at Chihuahua.

Isang kyut na kyut na puppy na madalas ay pino-ponytail pa ng kanyang fur parent na si Eunice para mas lalong madagdagan pa ang ng cuteness nito.

Maggie | thedailyfeed.org

Maggie | thedailyfeed.org

Si Eunice ay nakatira kasama ang kaniyang mga magulang at sila na rin ang tumitingin sa alagang aso nito na si Maggie tuwing umaalis siya para magtrabaho.

Madalas nga raw kasama ng pet dog na si Maggie ang tatay ni Eunice at close na close rin daw silang dalawa. Ang nasabing tatay ay may edad na kaya ito ay nakapustiso na.

Isang araw at tinanggal daw nito ang kaniyang pustiso at inilapag sa isang lugar malapit sa kanilang sofa habang siya ay nagpapahinga.

Kalaunan ay nakatulog ito at nang magising ay hindi na mahanap ang kaniyang hinubad na pustiso.

Sa paghahanap ay napalingon ito kay Maggie at napansin na pinaglalaruan na ito ng kanilang kyut na alaga.

Eksakto namang subo subo ni Maggie kaya habang sumasakit ang tiyan kakatawa ay dali dali nilang kinunan ng litrato ang eksenang ito.

Gaya ng inaasahan, marami ang napahalakhak nang ibinahagi nila ang nakakatuwang litrato nito online at siya namang pinagkaguluhan ng mga netizens ang kabibuhan ni Maggie.

Maggie | thedailyfeed.org

Source: thedailyfeed.org