Labis na paggamit ng cellphone ng bata, nagdudulot ng masamang epekto

Labis na paggamit ng cellphone ng bata, nagdudulot ng masamang epekto

Isang netizen ang nag bahagi ng kanyang hindi makakalimutang karanasan at lubos niyang ikinabahala dahil lamang sa sobrang pag gamit ng gadget ng kanyang mahal na anak.

Sa kanyang ibinahaging post ay kaniyang sinabi na lubos pala talagang nakakasama ang paggamit ng cellphone, ito ay nagdudulot ng hindi magandang epekto sa katawan ng isang tao lalo na para sa mga bata.

Sa kanyang post ay kanyang sinabi “HINDI masama ang pag-gamit ng CELLPHONE. Ang MASAMA ay ang hahayaan natin na sila ay mag-cellphone simula umaga hanggang gabi. Maaaring gamitin ang gadget na ito for educational purposes with parental guidance.”


“Thankyou Lord ang lahat po ay Normal at walang problema after 1month na monitorMadami nag PPM sakin para daw po maging aware sila diko kayo po maisa isa dami nyo po.”


“Ganto po nangyari. Mga second week ng November 9am po habang naglalaro siya ng nakatayo nakikita namin na parang pumipikit mata tas bigla siyang nahimatay pag buhat ko po nangisay siya at tumirik mata niya kaya agad po namin sinugod sa Hospital. Pag dating namin doon naging ok naman na po siya at nagising na pero nirequest kami for Pedia Neuro para malaman dahilan kung bakit siya nag seizure dahil wala naman siyang lagnat kaya imposibleng mag kombulsyon siya after non hiniling din na mag EEG kami or Brain laboratory para malaman ano naging reason ng pag seizure niya. Weeks din po bago kami nakapag pa test dahil need na tulog na tulog si kaspher at hindi lahat mg hospital ay meron pong ganon. Hanggang sa nagawa na siya at nakuha namin ang result noong lumabas nakita naman na OK at NORMAL naman ang lahat at walang sakit . Kaya ang nakikitng dahilan po ay yung pag gamit nya ng gadget kaya nangyari yung seizure sa kanya. So yown kaya sa mga mommy HUWAG na HUWAG nyo ng hahayaan na babad ang mga anak nyo sa Cellphone para di matulad sa baby ko. “