Lalaki na putol ang paa, patuloy na nagbebenta ng sampaguita sa gitna ng ulan

Lalaki na putol ang paa, patuloy na nagbebenta ng sampaguita sa gitna ng ulan

Umani ng magagandang komento ang larawan ng lalaki na nag lalako ng panindang sampaguita sa gitna ng daan na may saklay at makikitang kualng ang mga paa nito habang naka tapak sa ulanan.

Sa panahon ngayon talaga namang hirap makapaghanap ng trabaho at kailangan ay may tinapos ka sa pag-aaral, at minsan nga ay kahit nakatapos kana ay pahirapan pa din sa paghahanap ng trabaho.

Hindi lang naman sa pagtatrabaho pwedeng kumita ng pera tulad ng pagbebenta o negosyo at kung madiskarte ka ay marami pang paraan.

Tulad nalang ng nagviral na litrato ng isang lalaking putol ang paa na patuloy na nagbebenta ng sampaguita habang umuulan.

Ang post na ito ay umabot na sa 33k reaksyon at 568k na ang nagbahagi sa social media. Talaga namang madaming naawa sa kalagayan ni kuya at sobrang dami niyang napahanga dahil sa hindi hadlang ang kapansanan niya sa pagtitinda ng sampaguita.

at bukod sa mga reaksyon na natanggap ng post ay nagsilbing inspirasyon ito sa mga tao na kompleto at buo ang pangangatawan na mag sipag at maging responsable sa panilya at pamayanan.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na nakabasa sa nasabing post ng lalaking putol ang paa, patuloy na nagbebenta ng sampaguita sa gitna ng ulan: