Lalaki naospital matapos malunok ang pustiso habang natutulog


Naging usap-usapan ang pangyayaring ito sa probinsya ng Pangasinan matapos na ang isang lalaki ay makalunok ng pustiso. Hindi man ito pangkaraniwang balita ngunit naging tampulan pa rin ito usapan sa kanilang lugar. Si Benjie Villamor 39-anyos ay hindi sinasadyang malunok ang sarili niyang pustiso kung kaya agad itong dinala sa hospital upang masuri at posibleng maoperahan.

Larawan mula kay Russel Simorio GMA | Facebook

Ayon kay Benjie lasing siya ng makauwi sa kanilang bahay, dahil nga nakainom agad itong nahiga at kalaunan ay nakatulog. Hindi na umano niya natanggal pa ang nasabing false teeth o pustiso hanggang sa nakaramdam na lang ito na may nakabara sa kanyang lalamunan. Dagdag pa niya sinubukan pa niya itong dukutin sa pag-aakalang magagawan niya ng paraan ngunit hindi na nga ito umubra pa.

Larawan mula kay Russel Simorio GMA | Facebook

Anya gumaan lamang ang kanyang pakiramdam na maramdaman nito na wala na sa kanyang lalamunan ang nasabing pustiso, ang dahilan pala ay tuluyan na itong bumababa sa kanyang bituka. Lubhang delikado ang nasabing pagkakalunok ng ganitong uri ng bagay bagama’t bihira ang ganitong pangyayari, aksidente lamang ito at hindi sinasadya.

Larawan mula kay Russel Simorio GMA | Facebook

Ayon naman kay Dr. Rheuel Bobis Spokeperson ng CHD-Ilocos napakadelikado ng ganitong pangyayari; “Kapag nakalunok kasi ng pustiso mayroon dalawang puwede (itong) puntahan (sa katawan). Unang-una puwede (itong) dumiretso sa tiyan. So kapag dumiretso sa tiyan, medyo delikado kasi alam naman na ang pustiso ay may matutulis na parte. So maaaring masugat o maaari niyang mabutas ang digestive tract,” paliwanag ni Dr. Bobis.

Larawan mula kay Russel Simorio GMA | Facebook

Sa ngayon nakatakdang maoperahan si Benjie sa pagamutan ng Dagupan City, upang alisin ang pustiso sa tiyan nito. Ngunit ang isa pa nitong problema ay ang gastusin dahil ang kayang trabaho ay hindi regular at ume-extra lamang ito sa pag-coconstruction worker.

Larawan mula kay Russel Simorio GMA | Facebook

Maging aral din ito sa mga nakakabasa upang maiwasan ang ganitong klase ng aksidente, bihira man itong maganap mas mainam pa rin kung tayo ay mag-iingat.