Lalaki tumalon mula sa 3rd floor ng isang mall, nailigtas ng kutson

Lalaki tumalon mula sa 3rd floor ng isang mall, nailigtas ng kutson

Buhay ang isang lalaki matapos tumalon mula sa third floor ng isang mall sa Quezon City. Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), bumagsak ang lalaki sa ibabaw ng mga foam mattress na naka-display sa ground floor ng mall.

Rumesponde agad ang mga security personnel at dinala ito sa mall clinic. Nasa maayos na kondisyon na ang lalaki at walang nakitang physical injury.

Dahil sa pangyayari ay umani ng ibat-ibang reaksyon ang naturang video mula sa maraming netizen.

“Huwag naman sanang husgahan agad.Kung alam niyo lang feeling ng isang may anxiety at depressed na tao.”

“Gagaling! Hinusgahan agad! Mga tao nga naman ”

“Situations like this aren’t funny and this kind of attitude is just disgusting. I am thankful that he didn’t die/ was injured from his jump but actually saying “dapat sa babasagin siya tumalon para finished na” says a lot on how a lot of people don’t take depression/mental health seriously. I understand that you may be trying to make the situation lighter by my making jokes/remarks that he jumped on the beds FROM THE 3RD FLOOR to “test yung tibay ng kama” but NO, take it seriously because this is NOT A LIGHT TOPIC. Be human and know that people like this need help and NOT TO BE MADE FUN OFF OR TO BE MADE AS CONTENT for their suffering.”


“anu kaya masasabi ng nagvivideo na to kapag may hindi magandang nangyare dun sa taong tumalon! common sense po kuya minura mo pa, sana wag dumating yung panahon na ikaw naman yung nasa kalagayan niya sa tumalon naman sana malampasan mo yung pinagdadaanan mo ngayon lahat po ng problema masusulusyonan basta samahan po ng dasal”

“pag dipress ka hindi kana tama mag isip…prang ikaw ata iyun mamang nag sasalita sa video .kailangan tamang unawa sa mga ganyan tao kung bakit ngawa niya yan hindi ung pagtatawanan pa….”