Lalaking Ginawang Tubig ang Softdrinks at Inaraw-araw ang Pagkain ng Chichirya, Nagsisi ng Humantong sa Ganito ang Kalagayan Niya.

Lalaking Ginawang Tubig ang Softdrinks at Inaraw-araw ang Pagkain ng Chichirya, Nagsisi ng Humantong sa Ganito ang Kalagayan Niya.

May mga tao talagang hindi nakukumpleto ang araw kapag walang softdrinks na iniinom, ito rin minsan ang naging gamot sa napaka uhaw na panahon. Subalit, sabi nga natin, lahat ng sobra ay hindi na maganda sa katawan. Dapat lahat ng bagay o pagkain ay kontrolado upang hindi maging abuso.

Ang pagkakaroon ng kaalaman patungkol sa kalusugan ay napakahalaga, ang kalusugan ay siyang ating kayamanan. Balewala lahat ng yaman at naipundar natin sa mundong ito kapag nagkasakit tayo.

Katulad na lamang ng batang ito na si Nico, ayon sa salaysay ay lumaki siyang walang sapat na kaalaman sa kahalagahan ng kalusugan.

Bata pa lamang daw siya ay walang tigil na ito sa pagkain ng chichirya at matatamis na pagkain, halos araw-araw.

Hindi rin siya nasasabihan ng mga magulang dahil bukod sa hindi siya nababantayan ng mga ito ay tila wala rin silang alam sa kahalagahan ng pag aalaga sa  kalusugan.

Madalas din siyang magkasakit dahil sa kung anu-anong kinakain nito, ngunit kahit hanggang pagka binata ay dala-dala niya pa rin ang ganitong klaseng gawain at naging sakitin.

Umabot na rin sa punto na ina araw-araw na niya ang pag inom ng soft drinks, na tila ba ito na ang nagiging tubig niya.

Mula sa eskwela, kahit sa bahay at hanggang sa pag tulog ang soft drinks lamang ang nais na inumin nito.

globalEDGE Blog: Soft Drinks Show Popularity Around the World >> globalEDGE: Your source for Global Business Knowledge

Nagiging habit na niya ito at dahil wala namang sumusuway sa kanya, para kay Nico ay wala namang mali sa kaniyang nakagawian dahil sinisigurado pa rin niyang mag vitamins at kumain ng prutas dahil ayaw niya ng gulay.

Isang araw ay nataranta na lamang ang lahat ng mga tao sa kanilang bahay nang bigla siyang himatayin!

Isinugod agad sa ospital anga bata at nakita rito na mayroon na siyang malubhang kalagayan sa bato, at kailangang maoperahan agad.

Nagdudugo na rin ang kaniyang pag ihi, na nagdudulot ng matinding sakit kay Nico.

Labis-labis na pera ang kinailangan para sa gamutan ng binata, at mula noon ay inayawan na niya ang pag inom ng soft drinks, o kahit anong klase ng maiinom na hindi naman tubig.

Malaking aral ito para sa kanya at sa mga magulang niya na pahalagahan ang kalusugan, ganun din sa ating mga mambabasa.