Lalaking mayroong kakaibang karªmdªman sa pisikal na kaanyuan, nakahanap ng kaniyang “One True Love”


Tunay na pagdating sa pag-ibig ay walang basehan kung ikaw ay mayaman o mahirap, matanda o bata o maging sa panlabas at pisikal natin kaanyuan.

Hindi ito nagiging sukatan sa taong dalawang tunay na nagmamahalan. Kung minsan nga dahil sa kakaiba nating pagkatao ay dito tayo mas nakatagpo ng taong tunay na nagmamahal sa atin.

Katulad na lang ng kwento ng isang lalaking ito na may kakaibang kaanyuan, Sa kabila nito natagpuan niya ang tunay na pag-ibig. Ito ang kwento ng buhay ni Zing Zong na isang skateboarder sa Cebu CIty.

Si Zingzong ay may kakaibang sakit na hindi pa malaman ang tunay na dahilan kung bakit ganoon na lamang ang kanyang hitsura.

Ang sakit daw na ito ni Zingzong ang nagdulot upang ma-deformed ang kanyang mukha at hindi well-developed ang kanyang katawan. Wala pang nakakaalam kung ano ang tunay na sanhi ng kanyang sakit.

Ang binatang si Zingzong ay mahilig maglaro ng skateboarding. Dahil sa kanyang angking talento at galing sa paglalaro nito marami ang nakapansin ng kanyang kakayahan.

Kaya naman isang araw ay ipinakilala si Zingzong ng kanyang kaibigang professional skateboarder sa mundo ng social media.

Dahil sa mga stunts na kanyang ipinapakita at pinost sa kanyang social media , dumami ang mga namamangha sa kanyang kakayahan at galing sa larangan ng skateboarding.

Samantala, tulad ng maraming kabataan dumating rin sa punto na nakatagpo si Zingzong ng taong tanggap siya at tunay na magmamahal sa kanya sa kabila ng kanyang hitsura.

Sa Instagram post ni Zingzong , ibinahagi niya ang isang larawan kasama ang isang babaeng may hawak na baby na may caption na “Family Picture”.

Totoong nga nakahanap siya ng babaeng magmamahal at ipagmamalaki siya sa buong mundo. Sa mga larawang kanyang ibinahagi sa social media bakas sa mukha ng kanyang girlfriend ang pagiging masaya sa piling ni Zingzong.

Namangha naman ang mga netizen sa girlfriend ni Zingzong dahil sa kabila ng itsura nito kailanman raw ay hindi niya ito ikinahiya.

Sa katunayan nga raw ay proud at napaka-supportive ng kanyang girlfriend lalong-lalo na sa pag-abot ng mga pangarap nito.

Para naman kay Zingzong , Kailanman raw ay hindi niya ginawang hadlang ang kakaibang itsura. Siya ay nagpatuloy sa kanyang pangarap kasama ang mga taong tunay na niniwala at nagmamahal sa kanya.