Larawan Ng Isang Ina At Kaniyang Anak Na Naglalaro Sa Gilid Ng Kalsada, Umantig Sa Puso Ng Mga Netizens

Larawan Ng Isang Ina At Kaniyang Anak Na Naglalaro Sa Gilid Ng Kalsada, Umantig Sa Puso Ng Mga Netizens

Walang kahit na ano o sino ang makakapantay sa pagmamahal na ibinibigay sa atin ng ating mga magulang, lalo na ang ating mga ina. Palaging mananatili ang pagmamahal ng ina s akanilang mga anak kahit gaano pa sila katanda o kahit anong sitwasyon ang kanilang kinakaharap.

Katulad na lamang ng homeless mom na ito na nakikipaglaro sa kaniyang anak sa gilid ng kalsada. Ang larawan ng mag-ina ay talagang pumukaw sa atensyon at umantig sa puso ng netizens.

Nasa kalagitnaan ng traffic ang netizen na si Ameniel Del Mundo habang nagmamaneho sa Airport Road sa ilalim ng NAIA Expressway sa Parañaque, Metro Manila. Noong mga sandaling iyon, siya ay nagmamaktol sa kaniyang sitwasyon at stress din siya dahil sa ilang mga problema sa kaniyang trabaho nang makita niya ang isang babae at ang kaniyang anak na naglalaro sa gilid ng kalsada.



Ang eksena ng mag-ina ay siyang nagpabalik sa kaniya sa reyalidad at nagpabago sa kaniyang kalagayan at mga bagay na iniisip. Naisipan niyang kuhanan ng larawan ang dalawa upang i-post sa Facebook ang picture ng mga ito na may caption na: “Proof that happiness is a choice.”

Kaagad naman naging viral sa social media ang nasabing larawan kung saan maraming netizens ang humanga sa mag-ina sa pagiging masaya pa din nila sa kabila ng kanilang sitwasyon. Maaaring ito ay isang maikling sandali lamang ng kaligayahan, ngunit ito ay talagang nagpapakita na maaari mo talagang mahanap ang kaligayahan kahit saan at sa lahat. Hindi mahalaga kung ikaw ay mayaman o mahirap dahil ikaw ay maaari pa din maging masaya sa mga simpleng bagay lamang.


Ani Ameniel sa Inquirer,

“I was stressed by some issues in my business when I saw the child playing with his mom and the mother grabbed the child and played with him as well. The two were playing happily at the island while I was grumbling about my situation inside the car”

Dahil siya ay nasa kalagitnaan ng traffic at hindi niya maaaring iwanan ang kaniyang sasakyan sa gitna ng kalsada, hindi nakausap ni Ameniel ang mag-ina. Matapos mag-viral ang nasabing post, marami naman sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang kagustuhan na tulungan ang mag-ina ngunit hindi na nila makita ang mga ito sa naturang pwesto/

Saad ni Ameniel,

“They might be moving around since I tried to came back on Friday and Saturdays, but they were nowhere to be found, will come back this week since I remember their faces very well.”

Sa ngayon ay hindi pa din niya nakikita ang mag-ina ngunit hiling niya na sana ay makita niya muli ang mga ito.