Libreng Kasalan sa Mandaue City, May Palibre Pang Bigas sa 53 Magkasintahan!

Libreng Kasalan sa Mandaue City, May Palibre Pang Bigas sa 53 Magkasintahan!

Viral ngayon ang kasalan na naganap sa Mandaue City. Bukod kasi sa libreng kasal, ay binigyan din sila ng tag-iisang sakong bigas. Isinabay ang kasalang bayan sa ika-53 na charter day ng lungsod. 53 couples din ang nag-isang dibdib na nakatanggap ng engrandeng selebrasyon dahil sa palibreng singsing, pagkain, at iba pa nilang kailangan para sa kasal.


Narito ang kabuuang post ng ABS-CBN News facebook page:

“Bukod sa libreng kasal, binigyan din ng isang sakong bigas ang 53 magkasintahan sa Mandaue City.


“Isang engrandeng selebrasyon ang inihanda ng lungsod para sa mga ikakasal at libre na rin ang kanilang mga singsing, pagkain, at iba ang kailangan sa seremonya.

“Isinabay ang kasalang bayan sa ika-53 na charter day ng lungsod kaya 53 din ang nag-isang-dibdib.”