LJ Moreno at Jimmy Alapag, masayang ibinahagi ang bagong buhay kasama ang pamilya sa Amerika

LJ Moreno at Jimmy Alapag, masayang ibinahagi ang bagong buhay kasama ang pamilya sa Amerika

Parehong lumaki sa Pilipinas ang aktres na si LJ Moreno at ang kaniyang asawa professional basketball player na si Jimmy Alapag. Masaya silang nanirahan sa bansa sa mahabang panahon at nakilala sa kani-kanilang karera sa larangan ng showbiz at Philippine basketball. Dito na rin sila bumuo ng sarili nilang pamilya at matapos nga na sila ay maikasal noong 2010 ay tatlo na ang kanilang naging anak.


Image source: Instagram/jalapag3

Ito ay sina Ian Maximus, Keona Skye at Calen Asher. Ngayong malalaki na ang kanilang mga supling ay napagdesisyunan ng mag-asawa na magtungo sa Amerika at doon na muna mamuhay.


Image source: Instagram/jalapag3

Ayon sa kwento ni LJ sa kanilang family vlog, buwan ng Septyembre nang bumyahe sila papuntang Amerika at inabot ng halos dalawang buwan bago dumating ang gamit nila mula pa sa Pilipinas.


Image source: Youtube/Alapag family fun

Habang naghihintay ay sa sahig na muna sila natutulog gamit ang makapal na kutson kaya naman ganoon nalang ang saya nila nang sa wakas ay huminto sa tapat ng bahay nila ang isang malaking truck na dala-dala ang lahat ng kanilang mga gamit. Sa dami nito ay halos mapuno na ang kanilang bahay at talaga namang naglaan sila ng oras para makagawa ng paraan kung papaano nila ito mapagkakasya at mailalagay sa ayos.


Image source: Youtube/Alapag family fun
Image source: Youtube/Alapag family fun


Image source: Youtube/Alapag family fun

Matapos ang nakakapagod na pagliligpit ay nagkaroon pa ng panahon ang mag-anak para makapag-bonding sa labas ng bahay kasama ang ilan sa pamilya at pamangkin ni Jimmy Alapag.


Image source: Youtube/Alapag family fun
Image source: Youtube/Alapag family fun

Samantala, aminado ang mag-asawa na malaking pagbabago sa kanilang buhay ang ginawa nilang desisyon na manirahan sa Amerika at lisanin ang Pilipinas. Ganoon pa man, batid nilang kasama nila ang Panginoon sa bagong yugto ng kanilang buhay kaya naman kampante sila na magiging maayos ang kanilang kalagayan sa panibagong bansa na kanilang titirhan.


Image source: Youtube/Alapag family fun


Image source: Youtube/Alapag family fun

“Just when I thought that we had our lives planned out, God decided to make a drastic change. This season has had a lot of ups and downs but God has definitely changed my heart and given me peace with my decision.”, pahayag ni LJ.


Image source: Youtube/Alapag family fun
Image source: Youtube/Alapag family fun

Malayo man sa Pilipinas ay hindi pa rin nakakalimutan ng mag-asawa ang kani-kanilang mga fans at sa katunayan ay bukas sila sa posibilidad ng pagbabalik sa bansa kung ito ay loobin ng Panginoon. Sa ngayon ay focus sila sa kanilang youtube vlog upang doon iparamdam ang kanilang pasasalamat sa kanilang mga tagasuporta.