Lola sa edad na 73-anyos patuloy na nagsasaka para mabuhay ang kanyang mga apo

Lola sa edad na 73-anyos patuloy na nagsasaka para mabuhay ang kanyang mga apo

Kailangan nga ba matatapos at makakaramdam ng ginhawa ang isang taong may edad, alam naman natin na hindi lahat ay isinilang ng may gintong kutsara o sabihin na nating nakakaangat sa buhay. May iilan sa atin na kahit nasa katandaan na at mahina na ang pangangatawan ay kailangan pa rin maghanapbuhay ng sa ganun may pang-tustos sa araw araw.

Tulad ng isang lola na kinaantigan ng mga netizens ang pamumuhay ng isang lola mula sa Kabacan, North Cotabato. Kinilala siyang si Lola Bibiana na patuloy pa rin ang pagsasaka sa edad na 73-anyos. Bagamat may katandaan na at ang mahina na ang pangangatawan ay patuloy pa rin itong nagsusumikap sa kanyang pagsasaka. Pasan niya sa kanyang balikat ang tatlong apo na umaasa sa kanya upang sa araw-araw ay may mailaman sa kanilang tiyan.

Hirap din sa tirahan ang matanda dahil sa kanilang munting barong barong ay sa kanyang munting duyan lamang ito natutulog upang magkasya sila kahit papaano. Kung ating susuriin sa edad ni lola ay dapat nagpapahinga na ito at hindi na masyadong nagtratrabaho ng mabigat.

Sa isang panayam nasambit ni lola na; “Nakakapagod rin, mabigat. Kahit 73 na ako, kumakayod pa rin ako. Oo, mahina na ‘yung katawan ko. Pero kailangan ko kasing magtrabaho. Kailangan kong magsikap para mabuhay pa ako dito sa mundo,”

“Three hundred lang ‘yung araw-araw sa pag araro, ‘yung kalabaw 600. Isang linggo na ‘yun pambili ng bigas. ‘Yun lang ang sa akin pag mag-aararo ako pero pag tao lang 300, kulang talaga,”

Ganito man ang kalagayan ni Lola Bibiana hindi pa rin ito sumusuko at ang tanging naging katuwang lamang nito ay ang kanyang kalabaw na may katandaan na rin.“Sabi nga nila, huminto na ako magtrabaho. Pero kapag huminto ako, ano kakainin namin? Ang pinapangarap ko lang sa buhay, makakain, magkaroon ng maayos na bahay at makapagpahinga.” – dagdag pa ni Lola

Bukod sa pagsasaka ay may iba pa rin pinagkakaabalahan si Lola, bitbit ang ang sprayer; “Masakit na ang aking mga balikat at likod kasi mabigat ang sprayer,” – sambit ng matanda.
Binabagtas nito ang 2 ektaryang lupain na pag-aari ng iba upang sa pagsapit ng anihan ay mayroon siyang parte na makukuha kahit papaano.

Hindi lang din pagsasaka ang ikinabubuhay ni Lola at ng kanyang mga apo, kung walang saka sa bukid ang ginagawa ni Lola; “Nangunguha ako ng kangkong, at ipinapakain sa baboy, kasi wala na akong ibang mapagkakakitaan. Nagbebenta ako ng mga pagkain ng baboy. Nagbebenta rin ako ng kahit kaunting kakaning suman,” -ayon sa kanya.

Samantala ang kanyang apo ay hindi naman siya pinapabayaan kahit papaano ang mga ito ay tumutulong, sambit pa nga ng isa niyang apo na si Jay; “Matanda na si Lola kaya tinutulungan ko. Nagpapastol ako ng kalabaw. Nag-iispray at nagtatabas sa palayan,”

Nais niyang makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa hirap ang kanyang Lola; “Mag-aaral ako ng mabuti, para mabago ko ang kinabukasan namin. Papatayuan ko siya mg bahay at tindahan para lang sa kanya. Tinitiis namin ang pagtira dito kasi wala naman kaming ibang matitirhan,”

Ang ibang anak ni Lola ay may kanya kanya na ring pamilya at kung minsan inaabutan siya ng mga ito kung ano ang pwedeng maibahaging tulong. Ang magulang naman ng mga apo na nasa kanyang pangangalaga ay nakakulong, kung makaipon naman si Lola ng isang libo ay agad nitong ipinapadala sa piitan.

Samantala hindi mapagsidlan ang tuwang nadarama ni Lola matapos siyang supresahin ng kanilang Barangay at ng Munisipyo ng Kabacan, binigyan siya ng kaunting tulong pangkabuhayan at mga groceries. Nagbigay din ang mga ito ng kauting materyales upang makapagpatayo ng munting kubo para kay Lola.

Kaya kung may Lola pa kayo mahalin ninyo sila habang nabubuhay pa, ipadama ang pagmamahal at pagpapahalaga sa kanila upang ng sa ganun maramdaman din nila na importante din sila sa inyo.