Lola,Muntikan ng Matangay ng Bud0l-bud0l ang P7-milyon Retirement Pay na Pinaghirapan sa Loob ng 30-taon

Lola,Muntikan ng Matangay ng Bud0l-bud0l ang P7-milyon Retirement Pay na Pinaghirapan sa Loob ng 30-taon

Isa sa palaging paalala sa atin ng ating mga magulang ay mag-aral ng mabuti at paghandaan ang kinabukasan. Ito ay hindi lamang tumutukoy sa buhay may asawa o pagbuo ng pamilya, dapat ay isa-isip rin ang panahong uugod-ugod ka na.

Karamihan sa atin ay nagpapamiyembro sa mga security services, Insurance Company at nag-iinvest pa kung mayroong natitirang pera. Ito ay paraan natin upang ma secure ang ating buhay kapag tumanda na tayo.

Napakahirap ng buhay matanda kapag walang retirement na siyang pagkukunan ng kanilang pang-araw araw na gastusin, lalo na kapag wala kang anak na malapitan o di kaya’y kamag-anak, ito ang kadalasang nakikita natin sa lansangan, mga matatandang nagsusumikap pa imbes na magpahinga sa kanilang tahanan.

Kaya habang tayo ay malakas pa ,ugaliing mag-ipon o kumuha ng mga insurance para mapaghandaan ang pagreretiro. Ang paghahandang ito ay hindi lamang pang isang buwan mong gagawin kundi mahaba-habang panahon mo ring gugulin. Kaya dapat ang makukuhang retirement ay pahalagahan rin at gamitin ng mabuti.

P7 milyong retirement na pinaghirapan ng 30-taon ng isang senior citizen halos malimas ng budol-budol - Definitely Noypi

Subalit, sobrang sakit naman sa pakiramdam na kapag ang perang pinaghirapan mo ay muntikan pang mawala sa iyo. Nandyan kasi ang mga nag-aabang lang na mga taong may masasamang budhi, naghihintay ng perang tutuklawin mula sa pinaghirapan ng iba.

Katulad na lamang sa sinapit ni Lola, siya daw ay muntikan ng mabiktima ng mga bud0l-bud0l.Si Lola ay 92 anyos na senior citizen mula sa Balagtas, Bulacan at halos P7 milyong piso ang nawala sa kanya.

Ngunit hindi nagtagal ay agad naman nahuli at nadakip sa isang entrapment operation ang suspek na sakto naman na kausap pa ang matanda sa bangko habang hawak-hawak ang pera ng matanda.

Sa isinagawa ng mga pulisya na entrapment operation nahuli ang isang suspek na nakilalang si Anthony Jitula 24 taong gulang at napag-alaman na ito ay isang miyembro ng bud0l-bud0l gang na talamak na umaaligid sa lugar ng Bulacan at sa mga karatig bayan nito.

Nahuli ang suspek na si Jitula sa labas mismo ng bangko pagkatapos nitong tanggapin ang pera nga matandang biktima na si Remedios Buizon 92 taong gulang na nagwithdraw sa Bangko.

Napag-alaman din ng pulisya na isa si Jitula sa grupong budol-budol na nagplano para tangayin ang pera na mahigit P7 milyong piso ni Lola Remedios na pinagpaguran niya ng mahigit 30 taon na pagtatrabaho sa Amerika.

Ayon pa sa imbestigasyon ng Pulisya, Nakilala ni Lola Remedios ang mga suspek nang alukin umano ito si Lola ng mga home appliances.

Simula noon ay nakuha na ng mga suspék ang loob ng matanda kaya naman hindi nagtagal ay inalok nila ito na mag-invest ng malaking pera para sa mga home appliances

Narito naman ang Pahayag ni Chief of Police Major Neil Cruzado ng Balagtas, Bulacan:

“Di natin alam kung gaano kagaling `yong skill nila sa pag-convince pero na-convince nila ang biktima kasi according sa records ng bank ay talagang nagkaroon ng withdrawals.”

Narito naman ang naging saloobin ni Lola Remedios:
“Mag-ingat sa mga kakausap sa inyo, `Wag kayong magtiwala agad. Hindi katulad natin lahat ng tao, may mga walanghiya ngayon.”

“Kay tanda ko na, aargabiyaduhin pa nila. Imbis na tulungan nila, Sa aking mga pinuno, ayon ang dapat nilang bantayan.”

Nagpaalala naman at nagbigay ng babala ang kapulisan na mag-ingat ang mga publiko dahil sa dumadami daw ang ganitong modüs.