Lolit Solis, lubusan naiyak at nakaramdam ng awa kay Kris Aquino dahil sa liham nito para sa kanya

Lolit Solis, lubusan naiyak at nakaramdam ng awa kay Kris Aquino dahil sa liham nito para sa kanya

Matapang man, malambot parin ang puso, ito ngayon ang nararamdaman ng batikang showbiz columnist na si Lolit Solis.

Hindi napigilan ng 75-year-old na si Lolit Solis, na maging emosyonal nang ibahagi niya ang natanggap na sulat mula kay Kris Aquino.

Ibinahagi ni Manay Lolit ang ilan sa mga detalyeng isinulat ni Kris sa kanyang personal na liham para sa kanya.

Kabilang na dito ang kanyang kalagayan at karamdaman. Na talagang ngayon ay itinuturing na life thr3atening na.

Ayon kay Lolit, hindi niya napigilang umiyak matapos basahin ang bahaging umaasa si Kris na mabubuhay siya hanggang sa umabot si Bimby sa edad kung saan niya kayang alagaan si Joshua.

“Umiyak ako sa letter ni Kris Aquino, Salve. Umiyak ako sa parte ng hinihiling lang niya na sana mabuhay siya hanggang marating ni Bimby ang edad na puwede na niya alagaan si Joshua. Iyon mabuhay siya para na lang sa dalawang anak niya.

Tanggap niya na nahihirapan siya sa kanyang s4kit, at talagang napi-feel niya kung minsan iyon hirap na hindi na niya makaya at hirap na siya kahit sa pagsusulat.

RELATED: Pokwang! nag trending matapos maging emosyonal sa kanyang birthday greetings para sa aktres na si Ms. Kris Aquino!

Sa kanyang viral post, ipinahayag ni Lolit kung gaano siya kalungkot nang malaman niyang may ilang mga negatibong reaksyon ang mga netizens tungkol sa kalagayan ni Kris.

“I was so sad reading her letter dahil talagang ipinagtapat niya iyon pain na nadarama niya. Nakakalungkot na negative pa iyon iba sa reaction nila kay Kris at hindi alam kung ano ang pinagdadaanan nito sa health niya.

Kitang kita mo ang pagpayat ni Kris, sign na talagang may nadaramang sakit. Hanga ka nga sa kanya dahil kinakaya niya ang pain at pinipilit ang katawan para hindi masyado mag-alala ang mga tao sa paligid niya.”

Sa kanyang pagtatapos, hiling niya sa mga tao na huwag na daw sanang ib4sh o punahin masyado si Kris at ang pamilya niya ngayon.

Dahil sa kalagayan nito, ay msyado daw senstive ang Queen Of All Media. Lalo na sa mga anak niya na ayaw niyang madamay pa.