Isang Lolo ang humihigi ng tulong para sa kanyang apo dahil silang dalawa lang umano ang magkasama matapos na pumanaw ang ina ng sanggol.

Ayon sa post ni Emilio Torrente, nakita nya ang mag-Lolo na ito sa isang overpass sa Calamba na namamalimos para umano pambili ng gatas at diaper ng bata.

Ayon pa kay Torrente, pumanaw daw umano ang ina ng sanggol noong 9 na buwan pa lamang si baby kaya mula noon ay namalimos na lang ang Lolo ng sanggol upang maibili ito ng gatas.


Sa bangketa lamang natutulog ang mag-Lolo at humihingi sila ng tulong para sa mga gamit at gatas ng kanyang apo.

Read also:

Isang Delivery Man ang nakuhanan ng litrato habang nagtatrabaho buhat ang kanyang anak

Sa hirap ng buhay ngayon, hindi pa rin tayo sumusuko sa mga hamon na dumarating sa ating buhay. Para makakain ang buong pamilya, kailangan nating kumayod at magtrabaho. Para makapag-aral ang mga anak, kailangan ding kumayod at magtrabaho.

Kasabay ng kahirapan ng ekonomiya ng ilang bansa ay ang kahirapan din sa paghanap ng maayos na trabaho. Kadalasan ay hindi nasasapat ang kinikita ng ilan upang matustusan ang pangaraw-araw na buhay. Pero hindi dapat ito ang maging dahilan upang tayo ay tumigil lampasan ang mga dagok ng buhay.

May mga kwento ng buhay patungkol sa mga nagagawang sakripisyo ng mga magulang sa kanilang mga anak. Ang ilan dito ay mga solo-parent na magisang itinataguyod ang pamilya. Lahat ay kayang gawin ng isang magulang para sa kanyang anak.

Katulad na lang ng isang ama na nakuhanan ng litrato ng mga napadaang tao. Isang lalaki ang nakita na naglalabas ng mga delivery na kahon gamit ang isang kamay at ang isang kamay naman ay gamit pambuhat sa kanyang munting anak.

Maraming naging reaksyon ang nga nakakita nito. Karaniwan sa mga reaksyon ay pagka-bilib sa ama na kayang pagsabayin ang trabaho at pagaalaga. Pero ang ilan naman ay nagaalala sa kaligtasan ng bata. Sinasabi din nila na sana ay mayroon siyang baby carrier para hindi siya mahirapang magbuhat at magamit ang dalawang kamay.

Sa kabilang banda, mas marami pa rin ang pumuri sa ipinakita ng ama na ito. Kung ano man ang dahilan ng pangyayaring ito, nagpapamalas pa rin ito ng pagiging isang ulirang ama sa kanyang anak. Sana lang ay maging maayos na ang sitwasyon niya para na rin sa kaligtasan at kapakanan ng kanyang anak.

Marahil nagtataka ang ilan kung bakit sinasama pa ang anak niya sa trabaho. Maaaring walang mapagiwanan ang bata kaya naman nagawa ito ng ama.

O kaya naman walang kakayahan ang ama na ilagak sa daycare ang kanyang anak. Pero kung iisipin, hindi biro ang ginagawang trabaho ng lalaking ito. Ito ay isang halimbawa ng pagpapamalas ng kasipagan sa trabaho.

Read also:

Isang dayuhan, tinulungan ang mag-iinang nasa kalsada

Viral ang post na ito tungkol sa mag-iina na tinulungan ng isang dayuhan.

Mula sa page ng The Hungy Syrian Wanderer, nag-abot ito ng tulong sa mag-iina gaya ng pag-aayos sa itsura ng mag-iina, binilhan ng mga groceries at nagbigay ng pera.

Umabot ng 200+k reacts sa Facebook ang post nito. Ang layunin ng dayuhan na ito ay tumulong sa mga nangangailangan. Siya ay talaga namang may pusong pinoy.

Sikat ito sa pag tulong sa mga tao lalo na sa mga pinoy. Mayroon ito 3 million subscribers sa youtube.

Makikita sa mga larawan na bukal sa loob niyang tumulong at masaya siya sa kanyang ginagawa.

Ganoon din naman ang pakiramdam ng mag-iina, sobra ang kaligayahan nila ng tulungan sila ng dayuhan na ito.

Marami pa rin sa atin na may mabuting kalooban, minsan pa kung sino ang hindi mo kaano-ano, hindi kadugo o hindi mo kababayan, sila pa ang tutulong sa iyo.

Basahin ang orihinal na post ng The Hungry Syrian Wanderer sa kanilang Facebook Page:

“Sometimes those who have little.. have the most to give. Back on the street mga tao, rewarding the best kind of people – hardworking kababayans.

When you become detached mentally from yourself and concentrate ping other people with their difficulties, you will be able to cope with your own more effectively.

Will continue sharing real life stories to inspire and change people’s lives one at a time.

Reviving bayanihan. I just want to use thison hel platform to help those who are in need and to send awareness. If I can do it, you can too. Spread Kindness and Positivity.”