Lolong may kapans1anan patuloy na naghahanap buhay kasama ang kanyang mga alagang aso

Lolong may kapans1anan patuloy na naghahanap buhay kasama ang kanyang mga alagang aso

Hindi talaga matatawaran ang kasipagan ng mga taong naghahanap buhay sa kabila ng kanilang katandaan at kapansanan. Patuloy ang mga ito na lumalaban ng patas sa para sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan. Marahil hindi sila nabiyayaan ng marangyang pamumuhay tulad ng ibang tao at kailangan nilang gawin ang paghahanap buhay sa abot ng makakaya ng kanilang pangangatawan.

larawan mula kay Argem Grace Anne Orcado | Facebook

Ang nakakabilib pa nito may mga alaga tayong hayop na maituturing natin na miyembro na ng ating pamilya. Sinasabing ang man’s bestfriend ang mga aso, bukod sa madali itong turuan ay talaga namang malalambing ito at madali lamang alagaan.

larawan mula kay Argem Grace Anne Orcado | Facebook

Umantig sa puso ng maraming netizens ang post na ito ni Argem Grace Anne Orcado, umagaw pansin sa socmed ang mga sitwasyon ng isang matandang naghahanap buhay at katulong ito ang mga alaga nitong aso. Si lolo ay may kapansanan, hirap itong maglakad habang naglilibot sa kalsada at nag-aantay ng taong magpapagawa ng payong sa kanya.

larawan mula kay Argem Grace Anne Orcado | Facebook

Habang naglalakad sa mainit na kalsada kasama nito ang dalawa nitong alagang aso na siyang humihila sa kanyan mga kagamitan sakay sa maliit na karatela. Napabilib sa tagpong ito si Argem Grace Anne Orcado kaya naman kanyang kinuhanan ng video ito. Agad naman itong nagviral marahil sa kakaibang tagpo na ang aso ay kasama nitong naghahanap buhay.

larawan mula kay Argem Grace Anne Orcado | Facebook

Samu’t saring komento ang puna ng mga netizens sa pangyayaring ito, kaya naman pumukaw ito ng pansin sa nakakarami at nagbigay kasiyahan sa puso ng nakakarami. Kaya kung makakita man tayo ng tulad ni lolo sa kalye na naghahanap-buhay, kung maari sana sa kanila na tayo magpagawa o bumili ng kung anuman, nang sa ganun ay makatulong tayo sa kanila.