Madam Inutz, nanggalaite sa galit matapos batikusin ang kanyang boyfriend sa kalagitnaan ng kanyang live selling!


Gigil talaga si Madam Inutz sa mga negatibong komento na nabasa niya tungkol sa kanya at sa bago niyang karelasyon.

Makalipas ang ilang buwan na pamamahing sa online live selling, muling nagbalik si Madam Inutz sa pagbebenta ng mga ukay-ukay.

Bago pa man kasi siya naging celebrity ay bilang online seller talaga sumikat si Madam Inutz. At ito ang ipinangbuhay niya sa kanyang pamilya.

Ngunit muntik nang hindi matuloy ang pagla-live selling ni Madam Inutz kahapon, dahil biglang nag-init ang kanyang ulo.

Dahil sa mga negatibong komento ng mga b4shers tungkol sa kanya at bago niyang boyfriend na si Tantan.

Ang komentong nagpa-init ng ulo ni Madam Inutz ay ang tanong ng isang netizens na, “Bakit ka magla-live selling, nahuthot na ba ang pera mo ng lalake mo?”

Syempre hindi ito pinalgpas ni Madam at gigil niyang sinagot ang katanungan na iyon. Aniya, “Bakit nahuthotan ka ba? Put…ina mo! Yung mga nangyari sa inyo huwag n’yo ‘kong idadamay. Inutil!”

“Halika, gusto mo sumama sa bangko! Nanggigigil ako sa inyo!

“Kung kayo hindi masaya sa mga buhay n’yo, mga pu…ina n’yo, huwag n’yo ‘ko idamay ha. Tingnan n’yo noo ko namumula”

Nakatikim nga ng malulutong na mura ang b4sher, pero makatapo ilabas ang kanyang galit. Itinuloy na ni Madam Inutz ang kanyang live selling.

Na muling nagbigay aliw at saya sa kanyang mga followers at miners.