Madungis na Matandang Lalake, Labis ang Kasiyahan ng Sinorpresa ito sa Kanyang Kaarawan.

Madungis na Matandang Lalake, Labis ang Kasiyahan ng Sinorpresa ito sa Kanyang Kaarawan.

Ang mga Pilipino kahit nasa bingit na ng Peligro ay nakuha paring ngumiti at kumaway sa harap ng kamera. At sa dami ng problema na ating dinadala isang tulong mula sa hindi natin kilala ay nagpapagaan sa ating damdamin.

May mga taong hindi man natin kaano-ano ay kusang nagbibigay sa atin. Sila ang mga instrumento ng Maykapal para tayo ay palakasin at bigyang inspirasyon upang lumaban sa hamon ng buhay.

Isang nakaka-antig na halimbawa ay si lolo na nakatanggap ng  tulong mula sa mga hindi inaasahang tao. Bakas sa itsura ng matanda ang matinding hirap na dinaranas sa araw-araw.

At dahil sa suot nitong sirang sombrero at isang maruming damit, madalas itong napagkakamalang wala sa sarili at may problema sa pag iisip.

Sa kadahilanang ito, maraming tao ang umiiwas sa kanya kaya siya ay laging nag iisa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, siya ay naglilinis at namumulot ng mga basura at nasa normal na katinuan.

Isang babaeng nagngangalang Marie Espiritu kasama ang kanyang mga kaibigan ang kusang loob na tumulong sa matandang lalaki na siya namang nagbigay kulay sa espesyal na araw nito.

Bilang surpresa sa kaarawan nito, binilhan nila ito ng cake. Dahil sa kanilang ginawa, labis na naantig ang kalooban ng matanda at bakas sa mukha nito ang matinding kasiyahan a kabila ng kahirapan.

Ang storyang ito ay ibinahagi ni Marie sa Facebook na siya namang umantig sa puso ng maraming netizens. Tunay nga na sa kabila ng kahirapan na ating kinakaharap ay mayroon pa ring mga tao na magpaparanas sa atin na masaya pa ring mabuhay.

Sana ay marami pa ang tulad ni Marie at ng kanyang mga kaibigan na handang tumulong sa mga nangangailan. Dahil ang simple pag gawa ng mabuti ay may magandang naidudulot sa buhay ng bawat tao.