Mag-aaral Mula sa Leyte, Nasungkit ang P20-Milyon Premyo sa Science Competition At Tinalo ang 11K na Katunggali sa Buong Mundo.


Ang kabataan ang siyang Pag-asa ng bayan, isa ito sa mga tumatak na kasabihan mula sa ating pambansang bayani. Kaya nararapat na ang mga kabataan sa ngayon ay magkaroon ng magandang edukasyon upang mapaghandaan ang kanilang buhay sa hinaharap.

Hindi man lahat ipinanganak na mayaman, ngunit ang taong may pagpupursige, tiyaga at talino ay walang imposibleng hindi maabot ang kanyang gusto. Isang halimbawa nito ang estudyante na mula sa Tacloban, Leyte at isa ding Yolanda survivor.

Matatandaan na noong 2013 ay hinagupit ng bagyong Yolanda ang probinsya ng Leyte. At isa sa mga pamilyang naapektuhan ng matinding pins4la ng bagyo ay ang pamilya ni Hillary Diane Andales, isang Grade 12 student.

Paglalahad niya,

“We had to run up to our double-deck bed kasi we didn’t have a second floor.”

Dagdag pa ni Hillary,

“My dad punched the ceiling tapos doon na lang kami sa steel trusses of the roof. We held on to those steel trusses for 7 hours until the storm surge subsided.”

Gayunpaman, malaki pa din ang pasasalamat ni Hillary dahil walang napahamak sa kanilang pamilya.

Ang pagsubok din na iyon ang siyang naging daan upang lalong magsumikap si Hillary sa buhay at manalo sa isang kumpetisyon na nilahukan ng 11,000 participants mula sa iba’t ibang parte ng mundo.

Ang pride ng Leyte na si Hillary ang tinanghal na grand prize winner sa libo libong mga lumahok sa international science competition na Breakthrough Junior Challenge.

Si Hillary ay nagkamit ng malaking premyo gamit ang kaniyang proyekto na pinamagatan na “Relativity and the Equivalence of Reference Frames.”

Tinatayang nasa P20 million ang halagang naiuwi ni Hillary kabilang na dito ang scholarship grant at reward sa kaniyang guro at paaralan.

Sa entry ni Hillary, ipinaliwanag niya sa simple ngunit malikhaing paraan ang Theory of Relativity sa tulong ng pick-up truck at cellphone.

Layunin ng nasabing patimpalak na bigyan ng parangal ang mga matatalinong estudyante na kayang ipaliwanag ng mas malinaw at simple ang mga komplikadong bagay sa siyensya.

Saad ni Hillary, “pera” ang tingin niya sa kaniyang oras.

Aniya,

“If I don’t think about my time as money, I spend it mindlessly. Hindi ko siya iniisip na valuable siya when in fact it is a limited resource.”

Dagdag pa ng genius student,

“It’s a good way to look back on my growth.

“When I look at my attempts folder, I see myself as someone who’s not afraid of failure and someone who is going into things, entering into things with the intent to grow, not to win.”