Mag-Amang Pulubi Na Nagbebenta Lang Ng Ballpen Sa Kalsada, Ibang-Iba Na Ang Buhay Ngayon


Sa ating paglalakbay araw-araw, marami tayong nakakasalamuha sa daan kabilang na yung mga taong paghihingi ang ikinabubuhay o tinatawag na pulubi.

Mayroon din namang mga nagtitinda sa kalye at naglalako ng kung ano-ano, mga gamit, ballpen, panyo o ano mang pwedeng pagkakitaan.

Mayroon larawan kamakailan sa social media na nagtrending, ito ay patungkol sa mag-amang pulubi kung saan ay dala-dala niya ang anak at kinakarga habang naglalako ng ballpen.

Naging kahabag-habag ang sitwasyon ng mag-ama na halos umiiyak na daw ito habang nagtitinda, tila nagmamakaawa sa mga mamimili na bilhan siya at marahil ay gutom na rin sila.

Kinilala nga ang lalaking ito na si Abdul Halim al-Attar, isang Syrian refugee na naninirahan sa bansang Lebanon. Samantala, matapos nga na kumalat ang larawan na ito no ni Abdul kasama ang kanyang anak na karga karga niya, ay sino nga bang mag-aakala na dahil dito ay nagsisimula na mabago ang buhay nila.

Nang kumalat nga ang naturang larawan, ay mayroong isang tao na nag magandang loob na tulungan siya, at ito nga ang naging daan para matupad niya ang mga pangarap niya para sa kanyang pamilya.

Binigyan siya ng IndieGoGo ng $191,000 o humigit kumulang na 10-milyong piso. Ang pera ngang ito ay buong puso niyang tinanggap.

Dahil naman sa pagkakaroon ng processing fees at bank fees, ay naging $169,000 na lang ang kanyang natanggap, ngunit magkaganonman ay nagpapasalamat pa rin si Al-Attar dahil malaking bagay na ang naturang halaga para mabago ang buhay nila ng kanyang pamilya.

Sa tulong nga ng naturang salapi, ay natupad niya ang mabigyan ng isang magandang bahay na tuluyan ang kanyang pamilya. Maliban pa nga dito, ay nagawa rin niya ng nakapag pundar ng pangarap niya ng negosyong panaderya, at ito nga ay kanyang napalago pa.

Nakapag-aral din muli ang kanyang mga anak na halos tatlong taon nga ring nahinto sa pag-aaral. Ayon pansa mga ulat, dahil maganda na ang buhay ngayon ni Al-Attar, ay naisipan niya ring tumulong sa mga kapwa niya Syria Refugees, kung saan ang nag-hire nga siya ng 16-katao na makakatulong niya sa kanyang panaderya.

Dahil nga sa masarap na tinapay at shawarma ang binebenta ng kanyang panaderya ay talaga namang maging matagumpay ang kanyang negosyo, at napalago niya ng husto ang kanyang panaderya.

Tunay nga na kapag ikaw ay mayroong mababang loob at kabutihan ng puso, ay may naghihintay na magandang biyaya sayo, katulad nga ng nangyari kay Al-Attar.