Ipinamalas ng mag-asawang Mariel at Robin Padilla ang kanilang kabaitan sa kanilang mga kasambahay.

Dahil sa kanilang pag-iingat, mahigpit nilang sinusunod ang quarantine protocols. Ingat na ingat sila sa mga taong nakakasama sa kanilang bahay kaya halos walang nakakalabas at nakakapasok sa kanilang mga kasama sa bahay.

Dahil malayo ang mga pamilya ng kanilang mga kasambahay. Minabuti nilang ipagawa umano ng apartment ang mga ito upang hindi na mag-alala sa kanilang mga pamilya.

Nagdesisyon ang mag-asawa na bigyan ng libreng pabahay ang kanilang mga “angels”. Kasama na ang yaya ng kanilang mga anak nitong kasagsagan ng lockdown dulot ng pandemya.

Siyempre, abot-langit ang pasasalamat ng mga ito kina Binoe at Mariel dahil bukod sa wala na silang babayarang upa sa bahay ay kasama pa nila ang kanilang mga pamilya.

Sa kanyang vlog sa YouTube, nagkuwento si Mariel kung paano naantig ang kanyang asawa. Sa sitwasyon ng mga kasambahay nila nang magpadala sila ng ayuda noong magsimula ang community quarantine sa bansa.

Dito nga naisipan ni Robin na magpagawa ng apartment sa compound ng Museo Padilla. Para doon na tumira ang kanilang mga kasambahay at ang pamilya ng mga ito.

Abot-abot naman ang pasasalamat ng kanilang mga kasama sa bahay kabilang na ang isang midwife. Na naninilbihan sa kanila sa loob ng tatlo at kalahating taon dahil sa libreng pabahay na natanggap nila mula sa mag-asawa.

Umiiyak na nagpasalamat ang mga ito sa mag-asawang Robin at Mariel. At tatanawin daw talaga nila itong napakalaking utang na loob habang sila’y nabubuhay.

Sa sumunod namang vlog ni Mariel ay sinabi nitong deserve ng kanilang mga angels ang libreng pabahay.

Read also:

BB Gandanghari nagbigay ng kanyang payo para sa pamangkin na si Kylie Padilla at estranged husband nitong si Aljur Abrenica

Nagbigay ng payo si BB Gandanghari para sa kanyang pamangkin na si Kylie Padilla. At sa estranged husband nitong si Aljur Abrenica.

Sa kanyang live streaming sa Instagram, nakipagkwentuhan si BB sa kanyang mga fans. Naibahagi niya sa kanyang mga followers ang tungkol sa buhay niya sa Amerika.

Samantala, maramin fans niya ang hinigian siya ng pahayag ukol sa kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng kanyang pamangkin na si Kylie. Tungkol sa hiwalayan nito sa mister na si Aljur.

Sinabi ni BB na sa totoo lamang ay hindi siya aware sa kinasasangkutang isyu ng dalawa, at ‘mahirap na umanong mangialam’.

Pero dahil sunud-sunod ang mga tanong tungkol sa kung ano ang masasabi niya sa anak ng kapatid niyang si Robin Padilla, napilitan siyang magbigay ng pahayag lalo na noong nabanggit sa kanya ang umano’y pan’ga’ngal1wa ni Kylie.

“Ang paghihiwalay is not a joke…masakit ‘yan. If there’s one thing, ang masasabi ko, try to keep your dirty linens in the washroom, if you know what I mean…” aniya.

“Kasi may mga anak kayo. I think that’s what you need to think about now, kasi, of course, ‘yun nga may mga bata. ‘Yun lang.”

At bilang tita ni Kylie, binigyan din ni BB ng advice sina Kylie at Aljur para na rin sa kapakanan ng kanilang mga anak.

“Try to keep things in private as much as possible kasi may mga anak kayo unang una, so yun lang. I think what they need to think about now are the children,” saad ni BB.

Panoorin dito ang kanyang IG Live:

Read also:

Aljur Abrenica, inamin ang tunay na dahilan kung bakit hindi na napigilan ang sarili na mag-post laban sa kanyang estranged wife na si Kylie Padilla

Pinagsisisihan na daw ni Aljur Abrenica ang pag post niya sa kanyang estranged wife na si Kylie Padilla.

Noong October 19, lumikha ng ingay sa social media ang aktor nang bigla siyang mag post ng “breaking silence” patungkol sa hiwalayan nilang mag-asawa.

Sa nasabing Facebook post, parang lumalabas na si Kylie ang dapat na may aminin kung bakit sila naghiwalay. Hinamon pa nito na sabihin na daw sa publiko.

Nagmukhang masama kasi si Aljur noong una matapos lumutang ang usapin na nalilink siya kay AJ Raval. Ang naging dating, ang anak ni Jeric Raval ang dahilan at third party nilang dalawa.

Makalipas ang ilang araw, nagsisisi na daw ang aktor sa nagawa niya.

Sa naging interview ni Aljur para sa kanyang newest project na Manipula, hindi na naiwasang masama sa usapin ang kanilang controversial break up.

“Well, I’m not proud sa nangyari. The reason why na nagawa ko iyon… out of impulse,” pagpapaliwanag ni Aljur.

Dagdag pa niya, “Kasi I felt like nasadsad na ako, e, natulak… lubog na ako, nabugbog na ako.”

“So, it was not my intention na maglabas ng ganoong post. Pero naramdaman ko talaga na kailangan na kasi.”

Hindi naman itinaggi ng aktor na minahal niya daw talaga ang dating asawa.

“I can still say na she was the love of my life. Talagang minahal ko ang babaeng iyon.”

Bandang huli, hiniling ng aktor na huwag na daw pahabain pa ang isyu.